Walkng Trip

6 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Hindi mawala sa isip ko yung nangyari samin ni Pot-pot kahapon, walang katumbas yung kasiyahan ko dumagdag pa nung hinatid ko si Pot-pot. "Hirap naman neto, dalawa yung lasing." Sabi ni Nuno habang pabababa kami ng foot bridge. "Okay lang yan." Sabi ko sakanya. "Asus! Nag eenjoy ka lang eh!" Asar niya sakin. "Shh!" Sayaw ko sakanya kung makapag salita toh kala mo hindi ko katabi si Pot-pot eh. Naku itong babaeng toh hindi pala pedeng mag inom ng walang aalalay grabe malasing eh! Sobrang kulit at pasaway! Aba kanina kina David pilit inaagaw yung bote ng alak tutunggain daw niya tas kung kani-kanino pang lalake tumatabi at nagpagulong gulong pa sa higaan kaya ayan tuloy nagka tagos, hay naku! Kaya tuloy yung panyo ko pinangtakip ko sa pwetan niya. "Ano kaya pa?" Tanong ko kay Pot-pot habang patawid kami. Tumango lang siya. Nakaakbay ako sakanya at nakahawak sa bandang pulso ng kamay niya habang naglalakad kami. Nung nakarating kami sa Bliss huminto kami sa katabing Bldg. ng bldg. nila nagtaka naman ako. "Dito nalang." Sabi samin ni Pot-pot. "Oh sige kaya mo ba?" Tanong ko sakanya. "Oo naman." Nakangiti niyang sagot. "Oh kiss muna bago umalis." Pang aasar nina Ron. Ngumiti lang ako pero nabigla ako sa ginawa ni Pot-pot, hinalikan niya ko sa lips. Mabilis lang yung halik na yun pero kakaiba sa pakiramdam, parang.. mas lalo ata akong nainlove kay Pot-pot. Hay! Sana maulit yun. Hehe..

"Hoy!" Sigaw sakin ni Mark. "San ka galing kahapon Hindi ka na pumasok ah!" Tanong niya.

"Wala ka na dun!" Sagot ko sakanya sabay tawa.

"Baliw." Pang aasar na sabi sakin ni Mark.

Habang nag kakalase kami naisip kong sunduin si Pot-pot sa klase niya at yayain na tumambay sa Park, hindi kasi ako nakuntento sa oras namin sa isa't isa kahapon na miss ko agad siya. Kinuha ko yung celpon ko at tinext si Pot-pot nagreply naman siya agad. 'Sige. Isama ko rin si Nessa ah.'

'Sige, sige. Sina Ron tska Nuno kasama rin.' Text ko.

'Okay. Text mo nalang ako kapag andito ka na.' Reply niya.

Tinext ko sina Ron at Nuno na tatambay kami sa Park at kasama sina Pot-pot at Nessa pumayag naman agad yung dalawa, sympre mga adik sa tambay ang dalawang yun. Matapos ng klase umalis na ko agad sa room at nagtungo sa room nila Pot-pot tas tinext ko na siya. 'Pot-pot andito na ko sa labas ng room niyo.'

'Okay. Mattapos na din tong klase namin.' Reply niya.

'Okay cge.' Text ko sakanya pero hindi na siya nagreply. Sumandal nalang ako sa katapat na room nila at nag laro sa celpon. Hindi rin naman ganun katagal yung pag aantay ko kasi lumabas na silang dalawa. 'Tara!" Nakangiting sabi ni Nessa. Naglakad na kami at nagtungo sa gate ng School nakita naman namin agad sina Ron at Nuno. Nagmadaling nilapitan ni Nessa silang dalawa at kami ni Pot-pot magkasabay lang na naglalakad. "May hangover ka?" Tanong ko sakanya.

"Masakit lang ulo ko tska di ko kayang uminom ng tubig, parang ang pakla kasi ng lasa eh." Sagot niya.

"Ahh.. Ikaw kasi nagpakalasing ka pa." Sabi ko sakanya.

"Sus! Inuman yun eh alangan naman mabusog lang ako." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Tinawanan ko lang siya bilang tugon. Lumapet na kami sa tatlo at umakyat na kami ng overpass para tumawid papuntang park. Pagdating sa Park dun kami sa bandang fish pond dahil sa malilim. Pagkaupo namin binato na agad ng pang aasar nina Ron at Nuno si Pot-pot. "Iba ka pala Annabel kapag nalalasing." Sabi sakanya ni Ron.

"Bakit ano bang nangyari kay Annabel kagabi?" Tanong ni Nessa.

"Tulog ka kasi eh! Huli ka na tuloy sa balita." Sabi naman sakanya ni Nuno.

The Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon