EPILOGUE .
Noon pinaglalaban ko pa yung nararamdaman ko kay Annabel, ginagawa ko pa ang lahat para maging akin siya pero ngayon, dumating na araw na minahal na din niya ako, na binigyan niya ko ng pagkakataon na patunayan sakanya at malayang iparamdam sakanya yung pagmamahal ko, kahit hindi ako nanghihingi ng sukli sa pagmamahal ko sakanya sobra sobra pa ang isinukli niya ng walang halong kasinungalingan. Sobrang saya ko, sobra sobra yung blessing na natanggap ko simula nung naging akin si Annabel.
Ngayon madami na kaming tawagan, Babe, baby at Bebe at ilang taon na din kaming nagmamahalan at sa bawat araw na dumadating samin mas lalo ko siyang minamahal kahit na nag aaway kami oh may hindi nag pagkaiintindihan or may pagsubok na dumating. Ngayon palagi lang kami nag tutulungan at susuporta sa isa't isa at sympre at mas lalo lang namin pinapainggit ang mga Single, Hehe..
"Kanina ka pa?" Nakangiti niyang tanong sakin pagkalapet niya sakin. Mamayang gabi pa kasi ang trabaho ko kaya sinundo ko muna siya dito sa University para naman magkasama kami kahit ilang oras.
"Hindi naman. Kaen na tayo? Gutom ka na ba?" Sagot ko sakanya sabay akbay.
"Opo." Malambing niyang sabi sabay yakap.
"Oh tara." At naglakad na kami papunta sa Kainan.
Pagkatapos kumaen nagpunta kami ng Mall at naglakad lakad, tinanong ko siya kung may gusto siyang bilhin pero wala naman daw kaya yun na meryenda nalang kami ng favorite niya Krispy Kreme donut, ewan ko ba kung anong meron sa babaeng toh at yung mga ayaw kong kainin na kinakaen niya ay napapakaen ako, iba talaga tong Bebe ko, Hehe.. "Babe magkano na naipon mo?" Tanong niya habang kumakaen.
"Mga nasa P9,000 na din yun." Sagot ko.
"Oh? Yes, malapet na nating mabili yung phone. Excited na ko." Nakangiti niyang sabi.
Nag iipon kasi kami para sa phone namin dalawa at ilang araw nalang eh mabibili na namin, ang gusto kasi namin parehas kami. "Basta tiis na muna sa phone mo, malapet na nating mapalitan yan.
Pagkatapos namin kumaen,masaya naming pinalipas ang ilang oras na magkasama at bukas panibagong araw na naman ang haharapin namin. "Ba-bye. Ingat ka babe." Paalam sakin ng Bebe ko pagkahatid ko sakanya sa usual na hinahatiran ko sakanya.
"ILoveyou so much babe." Sabi ko sakanya sabay halik sa labi niya ng tatlong beses.
"ILoveyou din so much bebe ko!" Masayang sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Historia CortaSi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...