CHAPTER SIX
Nasa klase ako nang tinext ako ni Nuno, 'May inuman kina David, Birthday daw niya.' Binasa ko lang ulit yun at hindi na nireplayan, katamd uminom eh. Nakipag asaran nalang ako sa mga kakalase ko dahil wala pa kaming Prof. nagtext pa si Nuno. 'Dali, tara! Anatayin ka namin ni Ron dito sa labas ng School.' Si Ron na member na ng Clan namin. Nagreply na ko. 'Ayoko, kayo nalang.'
'Dali na! Andito na kami ngayon sa labas ng School.' Text ni Nuno.
'Kayo nalang.' Reply ko.
'Si Nessa ang nag aya, kasama si Annabee.' Text niya.
Sino nga daw ang may Birthday? 'Kaninong Birthday ba?' Tanong ko.
'Si David nga! Ka-Clan natin yun.' Sagot niya.
Ka-Clan namin? Ibig sabihin parang pangawalang EB na toh dahil sigurado pupunta yung ibang member namin tas si Pot-pot kasama. 'Cge, sasama ako. Anatyin niyo ko.' Reply ko kay Nuno. Tumayo na ko agad, nakasalubong ko pa si Norman pagkalabas ko ng room. "San punta mo?" Tanong niya.
"Basta. Balik nalang ako maya." Tas bumaba na ko. Pagdating ko sa labas nakita ko na agad yung dalawa nung nilapitan ko na sila naglakad na kami. "Teka! Taga san ba yung David?" Tanong ko sakanila.
"Ewan. Sina Annabee lang nakakaalam eh."
"Edi kasabay natin siya?" Masaya kong tanong.
"Haha! Oo, pupuntahan natin siya kasama niya na din si Nessa." Sagot ni Nuno.
"Ahh.. Tara tara!" Aya ko.
Dun kami nag antay kung san ko hinatid si Pot-pot nun. "Text mo na sila." Sabi ko kay Nuno.
"Sige." At tinext na niya. Maya maya biglang may sumulpot na matangkad na lalake sa tabi namin. Sino toh? "Oh Zedrick. Ang bilis mo ah." Sabi ni Nuno dun sa lalake.
"Taga Makda lang naman ako eh." Sagot nung lalake kay Nuno. Taga Makda? Bat di ko kilala toh?
"Ahh.. Wala pa sina Annabee eh, antayin lang natin sila." Sabi ni Nuno dun sa lalake.
Tumango lang yung lalake habang nakangiti tas umupo dun sa gilid. "Sino ba yan?" Pabulong na tanong ni Ron kay Nuno.
"Ka-Clan din natin yan si Zedrick bago lang yan pero isa yan sa may Crush kay Annabee." Sagot ni Nuno na papubolng din at nakatingin sakin. Crush niya si Pot-pot? Si Pot-pot kaya ang nag aya sakanya? Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis, wala pa kami dun kina David pero parang kailangan ko ng bantayan si Pot-pot. Tsk! Nag antay lang kami ng ilang minuto tas nakita na namin na naglalakad palapet samin sina Pot-pot. Naka gray na shorts tska violet na t-shirt si Pot-pot habang si Nessa naka slocks pa din na pang School pero naka t-shirt na siya ng puti. Nakangiti sila samin palapet, napatingin naman ako sa legs ni Pot-pot ang kinis tignan ng legs niya tska ang puti. Hehe.. Tinigil ko na din ang pagtingin dun baka iba pa maisip ko eh. Hehe.. "Oh? Sino toh?" Tanong niya habang nakaturo dun kay Zedrick. Hindi niya alam na si Zedrick toh? Ibig sabihin hindi siya yung nag aya sakanya na sumama samin.
"Si Zedrick yan." Pag sagot ni Nessa sakanya.
"Oh? Sasama ka din?" Nakagiti niyang tanong dun sa Zedrick.
"Ayaw mo?" Pabirong tanong ni Zedrick sakanya.
Bahagyang tumawa si Pot-pot. "Hindi naman, tara na nga." Sabi niya.
"Tara, lakarin natin!" Aya nina Nuno. Lakarin? Teka taga san ba yung si David?
"Sa East yun, San tayo maglalakad dire-diretso lang?" Sabi ni Nessa.
"Sa kalsada pa tayo dadaan." Sabi naman ni Pot-pot.
Sympre hindi sabi ko sa isip ko, lahat kasi ng Barangay dito sa Guadalupe kabisado ko kaya no problem. "Basta ako bahala." Sabat ko.
"Sabi mo yan ah, sige! Tara na!" Sabi sakin ni Pot-pot. Lalapet na sana ako sakanya pero naunahan ako ni Zedrick. Tsk! Dami naman talagang epal samin ni Pot-pot ko! "Nangangamoy selos ah! Haha!" Pabirong sabi ni Nessa. Tumawa naman yung dalawa, ako hindi nalang nagsalita. Habang naglalakad diretso lang akong nakatitig kina Zedrick at Pot-pot dahil masaya silang nag uuasap, at sa buong buhay ko ngayon lang ako nag selos! Badtrip! Napa iling nalang ako pero nung patawid na kami nagtabi na sina Nessa at Pot-pot ka-kwentuhan naman nina Nuno tong si Zedrick na ang sarap sapakin medyo. Na kampante na ko nung nakatabi ko ng maglakad si Pot-pot. "Ano kaya mo ba?" Pabirong sabi ko kay Pot-pot. Pataas na patag kasi yung dadaanan namin.
"Tigilan mo ako ah!" Pikon na sabi sakin ni Pot-pot. "Sa Sexy kong toh!" Dagdag niya.
Natawa naman kami dun. "Baka siksik! Haha!" Sabi ko sakanya at hinampas hampas ako tas binilisan niya yung paglalakad niya. "Oy! Dadahan lang!" Sabi ko sakanya pero di na niya ko pinansin. Nakakatuwa talaga si Pot-pot.
Pagdating namin kina David sinalubong niya kami tas nagtanong sakanya si Pot-pot. Na pansin kong matagal na silang magkakilala "Si Badeth?" Badeth? Tama nga ko ito nga yung tinatambayan namin nun ng Classmates ko nung 2ndyear kami kasi taga dito yung kaibigan namin na si Badeth, na mukang kaibigan din niya. Napa kunot ako, magkakilala sila ni Pot-pot?
"Wala, nasa bakasyon. Di na ba kayo nagkakatext?" Sagot sakanya ni David.
"Hindi na eh. San si Sarah?" Sabi niya kay David. Ngumuso si David dun sa nadaan namin na bintana na may screen tas biglang sumilip dun si Pot-pot tas may sinitsitan siya. "Sexy ah!" Sabi niya dun sa sinitsitan niya tas pumasok na kami sa gate. Habang paakyat kami napaisip ako, Kaibigan niya si Badeth na Kaibigan ko at mukang madalas siya dito pati ako madalas din dito dati eh pero bakit kaya hindi pa kami nagkikita oh kaya ni hindi man lang mukang pamilyar samin yung isa't isa?
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Cerita PendekSi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...