Konting Push

4 0 0
                                    

CHAPTER TEN

Halos isang buwan ang lumipas na walang Pot-pot, ang hirap! Haay! Okay lang sana kung hindi kami pepedeng magkita eh yung kahit magkatext or nagkakausap kami. Yung Bad Boys, na grupo ng mga Kaibigan ko eh nagtataka dahil nga daw sumama na nga raw ako ulit sakanila hindi daw ba ko hinahanap nung Annabel ko, haay! Mas lalo ko tuloy siyang na mi-miss, sana magreply na si Pot-pot sa mga texts ko.

Habang nanunuod ako ng TV biglang tumunog yung celpon ko, kairita na tong Clan na toh makapag quit na nga kung si Pot-pot lang sana yung nagttext eh masaya pa sana ko. Kinabukasan nga eh nag quit na ko tapos mga ilang araw sina Ron at Nuno din, napansin ko rin kasi na simula nung nawala si Pot-pot tumahimik na din sila si Ellabee naman puro GM lang eh kaya cguro nag quit na din sila Ron at Nuno tapos pa unti unti pati yung iba nag quit na hanggang sa nawala na yung Clan.

Ilang Linggo na ang lumipas pero wala pa ding Pot-pot, hanggang dun nalang ata kami eh. Nakakalungkot isipin. Hihiga na sana ako at matutulog pero tumunog yung celpon ko, tinignan ko kung sino number lang pero.. Tinitigan ko yung number at pilit tinandaan dahil pamilyar ito sakin at ang pangalan lang na naisip ko eh si Pot-pot kaya agad akong nagreply. 'Pot-pot?'

'Oo, ako toh (: Akala ko di mo na ko matatandaan.' Text niya. Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, si Pot-pot toh? Totoo ba toh?

Mabilis akong nagreply. 'Ikaw ba talaga toh? Tagal mong hindi nagparamdam.'

'Oo, mahabang storya. Ang mahalaga eh magkakatext na tayo ulit (:' Text niya.

'Oo nga. Kamusta ka na Pot-pot? Sobra kitang na miss.' Text ko.

'Nge! Wag mong sabihin na may feelings ka pa din sakin kahit na matagal na kong nawala.'

'Oo, mahal pa din kita Pot-pot ang tagal kitang inantay.'

'(: Salamat ah. Seryoso ka ba talaga sakin Pot?'

'Oo naman! Bakit?'

'Kung ganun, kaya mong manligaw sa text?'

'Oo naman. Hindi ka na ba babalik dito?'

'Baka hindi na, nag drop na kasi ako tas balak nila Mama na dito na ko pag aralin.'

'Oh? Sayang naman pero tulad ba ng dati makakatext na kita lagi?'

'Oo naman (:'

Sa wakas, bumalik na yung Pot-pot ko! Ang saya ko talaga kahit na baka dun siya pag aralin sa Cavite ayos lang sakin basta ito bumalik na siya kaya ngaun gagawin ko na ang lahat maging Girlfriend ko lang siya dahil kapag ganun kahit mawalan kami ng comunication at least alam ko na akin na siya at hindi siya nawala saakin.

The Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon