CHAPTER THREE
Hindi ko pa din makalimutan yung pagkikita namin ni Pot-pot, sobrang kakaiba sa pakiramdam at first time sa buhay ko na kinilig ako. Napapikit ako at inalala yung araw na nagkita kami ni Pot-pot. "San ba klase mo?" Tanong ko kay Pot-pot. "Sa Bldg.lll 3rdfloor." Sagot niya. "Sige hatid na kita hanggang dun." Sabi ko sakanya. "Sige, ikaw bahala." Nakangiti niyang sabi. Nginitian ko na din siya. Habang naglalakad kami ang daldal niya, hindi mahiyain at pala ngiti kaya sa saglit na oras na yun sobrang napasaya niya ko. Napadilat ako ng tumunog yung phone ko. 'Pupunta ka ng GEB natin?' Text sakin ni Nuno.
'Hindi ko pa alam.' Sagot ko.
'Bakit naman? Sabay nalang sana tayo.' Text niya.
'Basta ipaalam ko nalang sayo kung sasama ako.' Reply ko.
'Sige.' Text niya. Naisip ko tuloy si Pot-pot, Siguradong inuman ang magiging GEB at ang alam ko pa eh mas maraming lalake ang pupunta. Tsk! Kung Sabado nalang sana yun eh, pepede pa kong sumama. Hay! Sumunod na araw sinundo ko naman siya sa klase niya nagpasama ko kay Norman, natuwa nga ko dahil kahit kay Norman eh mabaet at friendly siya si Norman na nga mismo nagsabi na ang baet ni Pot-pot may nalaman pa ko yung Classmate namin dati nitong 1styear na nag shift sa Tourism pala at kaklase niya pa, papatulong nga sana ako sakanya kaya lang hindi naman daw sila close kaya sabi ko sakanya na ako nalang bahala pero isa lang ang pumasok sa isip ko nun ang liit talaga ng mundo. Ilang araw ang lumipas, dumating na ang araw ng Linggo ang araw na may dumating na gawa dahil nga may radiator shop kami at kami lang ni Papa ang gumagawa ito din ang araw ng GEB namin, badtrip. Habang ginagawa namin ni Papa yung radiator tunog daw ng tunog yung celpon ko sabi ni Ate ang dami na daw texts. Pinilit kong tapusin ng maaga yung trabaho pero wala 5pm na kami talaga natapos, alanganin na kung aalis pa ko. Naglinis na ko at nagpahinga saka ko chineck yung texts sa celpon ko, yung iba GMs galing sa mga ka-Clan namin na nasa GEB tas yung ilan text ni Pot-pot binasa ko lahat. 'Dito na kami Market. Pupunta ka ba?', 'Madami dami na kami dito, punta ka na.', 'Pot-pot papunta na kami dun sa venue, kung pupunta ka pa itext mo nalang ako.', 'Hindi ka na ba pupunta?' Napangiti ako. Halata sa texts niya na gusto niyang sumama ako, sana naman hindi bastos yung mga ka-Clan namin sa nabasa ko kasing mga GMs puro lalake halos ang nandun. Tsk!
Kinabukasan nagkita kami nina Nuno agad ko naman siyang tinanong tungkol sa GEB kahapon. "Parang lahat ata sila dun type yung si Annabee eh." Sabi niya sakin.
"Bakit naman?" Medyo iritang tanong ko.
"Basta, napansin ko lang sakanila. Yung isa nga dun nung paalis kami gumusto pa ng kiss kay Annabee."
Napa-kunot yung noo ko. "Gago yun ah. Nalasing ba si Annabel?" Tanong ko.
"Medyo. Ako naman naghatid sakanya eh pati yung bestfriend daw niya yun na lalake."
"Tsk! Kainis talaga at di ako nakapunta dun."
"Ang nalaman ko nga eh madami daw sa Clan ang gustong maligawan yang si Annabee."
"Oh? Tsk!" Umiling nalang ako. Kapag may susunod na EB pupunta na talaga ako kahit anong mangyari, basta kahit anong pupuntahan basta kasama si Pot-pot sasama din ako.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Cerita PendekSi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...