chapter 2

21.5K 448 9
                                    

Yannah pov

Pagdating namin ni sean sa men's accessories,wala kaming imikan...
Siguro alam niyang ayaw kong pag usapan ang nangyari kanina...

"Uhmm...ano bang regalo ang bibilhin mo?"Tanong niya...buti naman at nagsalita na siya... wala talaga kasi ako sa mood para gumawa ng topic...

"Siguro Watch nalang... di ba mahilig siya sa relo?"sagot ko sa kanya...

"Hmm..oo... pwede rin naman"sabi nlang niya tsaka kami pumili ng relo para iregalo...

Pagkatapos naming bumili ay agad narin kaming umuwi kasi tinawagan na kami ni mom para makapagready na...

Dumating narin kasi yung stylist namin...
Private stylist namin yun kaya everytime na may party kaming pupuntahan, siya lang ang tatawagan namin para ayusan kami...

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni mom..

"Nandun na yung gown and stylist mo sa room mo,umakyat kana dun"sabi niya tsaka pumunta sa sala...
Umakyat narin ako sa room para mag ayos...

"Hello yannah!ang ganda mo talaga always!bagay talaga kayo ni ash---ay sorry hehe! Tara ayusan na kita"sabi niya... langya!
Halos lahat na yata ng kaclose ko eh alam ang nangyari samin ng ex ko eh

"BTW,di ba close din si Ezekiel tsaka yung ex mo? Di malayong magkita kayo dun"sabi niya... oo nga no?
Ibig sabihin kaya siya nandun sa mall kanina para bumili rin ng gift?
Bat ba di ko naisip yun?!
Bahala na nga! Tsaka date ko namn si sean mamaya eh...
Sigurado meron rin siyang iba...
Hayyss...

"Hayaan mo na siya...wala na naman akong pake sa kanya eh"sabi ko nalang.. which is a lie...

"Talaga lang ah?Hahaha! Ok kung yan ang sabi mo"sabi niya tsaka nagpatuloy sa pag aayos sakin...

Pagkatapos kong mag ayos at naready na lahat ay bumaba narin ako...
Nakita ko naman si sean sa sala habang naghihintay sa amin...
Ang gwapo rin talaga ng lalakeng to eh...
Half korean rin kasi siya kaya may pagkasingkit ang mata niya...

At usually ang buhok niya nakababa... pero ngayon nakataas na ito na mas nagpadagdag sa charisma niya...
Kaya di na talaga ako magtataka kung sobrang dami ng admirers nito eh... tsk!
Sana nga siya nalang eh...

"Oh nandiyan kana pala! And you look gorgeous!always"puri niya sakin...

"I know right Haha!tsaka ang gwapo mo rin!"puri ko rin sa kanya... totoo naman yun no!

"Ako nalang kasi... mas bagay naman tayo eh haha joke lang"sabi niya... sana nga ikaw nalang...

Kumapit naman ako sa braso niya tsaka kami lumabas sa bahay...
Nauna narin pala sila mom kaya kaming dalawa nalang ang natira...
Kotse rin niya ang dala niya ngayon...
I'm sure bago lang to..
Ngayon ko lang nakita eh...

Pinagbuksan niya naman ako ng pinto tsaka inalalayan papasok..
Pumasok narin siya tsaka pinaandar ang sasakyan...

"Uhmm...Sean...pwede mag act ka mamaya as my boyfriend kasi--"

"Kasi nandun siya? Oo naman!Haha!"putol niya sa sinasabi ko... alam kong di yun totoong tawa... I know him well... 

"Uhmm...oo parang ganun na nga..."
Sagot ko nalang... pero ngiti lang ang sagot niya... buti nalang talaga nandiyan siya

@Smith's resort

Nandito na kami ngayon sa resort nila Ezekiel...
It's his 21th birthday and syempre debut niya ngayon...

Marami rami narin ang tao and mostly friends anf families lang din... tsaka business partners narin ng family nila...
Habang papasok kami ay as usual pinagtitinginan kami... ang iba naman ay binati kami...

Ang akala nga nila kami talaga ni sean eh... at syempre si sean... sinasakyan nalang yung sinasabi nila...
Sinalubong naman kami nila tita at mommy kaya bumati narin kami...

"Yannah!You're so gorgeous talaga!tsaka bagay kayo ni sean! You perfectly fit for each other"puri sa amin ni tita...
She's the mom of ezekiel and magpinsan pala si Ezekiel at sean...

"Thanks po tita!BTW,asan po pala si Ezekiel?"tanong ko...

"Ahh nandun siya sa kabilang table with his friends"sabi ni tita sabay turo sa kanila... and then I saw him...
His also looking at me kaya ako nalang din ang umiwas...
Siguro naman kaya ko na siyang harapin ngayon diba?

"Ahh sige pi pupuntahan ko po muna siya,bibigay ko lang po tong gift ko"excuse ko kay tita tsaka nagpasama narin ako kay sean...

Pagdating namin sa table nila Ezekiel ay ramdam ko ang titig niya... pero I just ignore it...

"Happy birthday Ezekiel! Btw,here's your gift...wala akong pake kung hindi mo magustuhan yan.. magpasalamat kana lang"sabi ko sa kanya...

"Haha!thanks Babe! Ofcourse magugustuhan ko to bigay mo eh"biro niya sakin... ewan ko ba sa kanya kung bakit babe tawag niyan sakin eh di naman kami tsk!
Dati pa yan eh kaya pinababayaan ko nalang..

"Talaga lang ah Haha!"sagot ko nalang..

"Oh, nandito pala si cousin! Hi couz!"bati niya kay sean... napatawa nalang din si sean..

"Happy birthday bro... sorry pala kung di ko nadala ang gift mo... ang laki kasi eh"sabi niya... I'm sure matutuwa si Ezekiel sa gift niya...

"Talaga? Ano bang klaseng gift yan?"tanong niya...
Pinakita naman ni sean ang isang sobrang liit na box...

"What the? Ito yung gift mo? Ano to? Singsing?wag mo sabihing magpopropose kana sakin? Di tayo talo no! "Sagot sa kanya ni Ezekiel,agad naman siyang binatukan ni sean.. Hahaha!

"Pambihira ka! Buksan mo kaya muna?"sabi ni sean..binuksan naman ito ni Ezekiel at

"OMYGHADDD!IT'S A CAR!THANKS COUZ! KAYA FAVORITE KITA EH! HAHAHAHA!WOOHHH!"sabi niya sabay manly hug kay sean... oh diba? Sabi ko naman sa inyo eh...
Agad namang lumabas si Ezekiel tsaka I'm sure pupunta nayun sa parking lot...
At ayun nga iniwan na kami...

"Uhmm...yannah sundan ko muna siya ah?baka kasi ibang sasakyan mapulot nun eh Haha!"paalam sakin ni sean kaya tumango nalang din ako...

"So...long time no talk"
Sabi niya... oo si ashton...yung ex ko...

"Oo nga...so kamusta?"tanong ko nalang.... I'm trying to act like hindi na ako affected sa kanya... and sana gumana...

"Ok lang naman... so..kayo na pala ni sean? I just heard it kanina"tanong niya...

"Ahh...oo kami na...sinagot ko narin siya... tsaka alam ko rin kasing hindi niya ako sasaktan eh"sagot ko...

"Pero mahal mo ba siya?"tanong niya...

"Oo... mahal ko siya... at ang swerte ko kasi naging boyfriend ko siya..."sagot ko nalang...
Napatahimik nalang din siya sa sagot ko... akala niya ba hindi ko siya kayang kalimutan? Well totoo nga yung akala niya... pero I'm doing my best naman eh...

"Ikaw... may girlfriend kana ba?"tanong ko..

"Wala pa eh... pero hinihintay ko pa siya...ang tagal na nga eh... 1 year I think? Pero I'm willing to wait naman par sa kanya"sagot niya..
So... Pagkatapos pala naming magbreak may niligawan na agad?

So hindi niya pala talaga ako sineryoso... Tsk!
"ahmm..excuse me...pupuntahan ko pala muna sila mom... paalam ko sa kanya...
Hindi ko na kasi kayang makipag usap pa sa kanya...
Baka maiyak lang ako ng wala sa oras..
Hayy! Ang saklap ng buhay ko!

My Ex, My Fiance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon