Yannah's pov
"Yannah ano ba?! Di ka pa ba tapos dyan??" Naman eh! Mas excited pa yata sila sa kasal ko kaysa sakin eh!
Yup! Ikakasal na kami ngayon ni ashton and I'm so excited about it!
Pero dinaig pa ko ni kate na nasa labas ngayon at parang may gustong pumatay sa kanya kung makakatok! Langya!"Oo na! Wait lang! "Sabi ko tsaka hinanda na ang sarili ko palabas sa kwarto...
Tapos na kasi akong ayusan kanina and nandito lang muna ako sa room ko nagstay for 5 minutes...Tumingin muna ako ulit sa salamin...
Ang ganda talaga ng gown! Actually si mom talaga yung nag design nito and syempre maganda talaga Haha!
Pagkatapos kong i check ang sarili ko, tsaka ako tumungo sa may pintuan para buksan ito...
at syempre bumungad sakin si kate na nakapamewang na ngayon sa harapan ko..."Hayy salamat naman at lumabas kana! Myghadd! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ng driver dun sa baba? Myghadd ka Yannah!"
Sabi niya sakin pero nginitian ko nalang siya tsaka ako pumunta sa labas at nakita kong naghihintay na nga yung susundo sakin...
Pumasok narin si kate sa shotgun seat tsaka pinaandar ang sasakyan papunta sa simbahan...I just can't believe na ikakasal na ako ngayon!
Magiging Mrs.Hervilla na ako pagkatapos ng araw na to! At maimagine ko palang na naghihintay sakin si ashton mamaya sa altar para na kong kinikiliti sa kilig... Hahaha! It's normal though..."Aysus! Nginingiti ngiti mo dyan ha yannah? Kinikilig ka na yata eh di pa nga tayo nakarating sa simbahan?"sabi niya sakin... panira talaga to!
"Wag kana nga dyan! Basta ang importante is makakasama ko na si ashton for lifetime... like magiging Mrs.Hervilla na ako pagkatapos ng araw na to hihi!"sabi ko sa kanya kaya inirapan niya ako,psh! Inggit lang to eh!
"Magpakasal na kaya kayo ni xander para di kana maiinggit dyan?"biro ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin...
"Seriously?? Di nga kami tapos papakasal pa kaya?? You're joking right?? "Sabi niya kaya mas lalo akong napatawa.. pero napatigil rin ako nung mapansin kong naging malungkot yung mukha niya... hayys!
"Kate, siya parin ba?"tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin pero umiwas rin...
Bakit ba kasi ang complicated ng lovestory ng babaeng to eh!"Kahit sabihin kong oo... wala namang magbabago diba? Hindi parin ako ang pipiliin niya"sabi niya kaya tinapik ko nalang siya sa balikat...
"It's ok kate, tsaka malay mo may dumating na mas better pa sa kanya at ikaw na talaga ang pipiliin... diba? Tsaka nandyan naman si xander ah...why not him?"tanong ko sa kanya pero napa sigh lang siya...
"Sinusubukan ko naman eh... pero ewan...siguro mahirap talagang mag move on"sabi niya...talagang mahirap! Nakuu! Kung madali lang sigurong mag move on siguro wala ng tanga ngayon... haiist!
"It's fine ok? Don't worry magiging ok rin ang lahat"sabi ko sa kanya tsaka siya nginitian... at ngumiti rin naman siya pabalik kaya nagtawanan nalang din kami pagkatapos...
Maya maya ay huminto narin ang sasakyan hudyat na nandito na kami sa simbahan...
Agad na bumaba ang driver tsaka ako pinagbuksan ng pinto tsaka ako inalalayan pababa...
OK! This is it!
(The bride is here!)
Pagkabukas ng pinto ng simbahan ay agad na bumungad sakin ang mga tingin ng mga bisita...
Pero sa iisang tao lang nakatuon ang atensyon ko ngayon...Dahan dahan akong naglakad papunta sa altar at habang papalapit ako ay mas lalo kong nararamdaman ang magkahalong kaba at saya...
Pagkatapat ko kay ashton ay agad niyang inalay ang kamay niya sakin kaya agad ko itong kinuha...
Ghadd! I miss him! 3 days ko rin siyang di nakita ah!
Pano naman kasi sabi nila malas daw pag nagkita ang dalawang ikakasal pero parang napasobra naman yata sila kasi 3 days talaga? Psh!"I miss you so much! And you look so gorgeous with your wedding gown"bulong niya sakin kaya napangiti ako...
Talaga naman oh!"You look so handsome in your suit ash... and I miss you too!"sabi ko sa kanya...
"Let's go?"sabi niya at tumango naman ako tsaka kami sabay na pumunta sa harap ng altar kung saan naghihintay si father...
Tsaka kami nagpalitan ng vows...
"I,Ashton Hervilla, take you,Braeyannah Ferymhille, for my lawful wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, until death do us part." -ashton
"I,Braeyannah Ferymhille, take you,Ashton Hervilla, for my lawful husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, until death do us part." -yannah
Tsaka kami nagpalitan ng singsing..
tsaka ulit nagsalita si Father"Throughout this ceremony, BRIDE and GROOM have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other.
They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings.
Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife.
You may now kiss your bride!" Announced ni Father kaya napangiti si ashton... talaga to!
"I love you Brae"sabi niya tsaka dahan dahang lumapit yung mukha niya sakin...
I just close my eyes and wait for his lips to crashed on mine...Maya maya ay naramdaman ko nalang yung labi niya na lumapat labi ko..
Kaya naghiyawan yung mga tao na nanonood samin...Pagkatapos ng kiss namin ay pinagdikit niya lang yung noo namin tsaka kami napangiti sa isat isa...
"I love you Mrs.Hervilla"
"I love you too Mr. Hervilla"sagot ko sa kanya tsaka niya ko hinalikan ulit pero smack lang tsaka kami humarap sa mga tao na ngayon ay nakangiti samin...
Especially sina mom and dad kasama sina tita and tito...
At iba pa...And this is one of my favorite Day...
MY WEDDING DAY...
WITH MY HUSBAND,ASHTON HERVILLA...
MY BELOVED HUSBAND
BINABASA MO ANG
My Ex, My Fiance (Completed)
Novela JuvenilHighest achieve in rank #9 in teenfiction Dalawang taong pinaglayo dahil sa isang pagkakamali ng isa... Pero ipinagtagpo ulit para sa isang kasunduan... Ano kaya ang magiging kahinatnan ng love story nila? Magiging masaya na kaya sila ngayong b...