Amaris' POV
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Isa muna ang aking binuksan. Nakakasilaw naman kasi yung liwanag na nagmumula sa araw.
Pero nangangahulugan ito ng bagong buhay na ipinagkaloob sa akin. Umupo ako at nag sign of the cross.
"Thank you lord. Amen"
Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan, at nahiga ulit ako. Aba sinusulit ko lang naman ang bakasyon diba.
Pag open ko diretso agad ako sa wattpad. Aba may tatlong notifications.
ZildFinley updated Zild Handsome Pogi Problems - HPP-35
Aba may update ang kulokoy. Talaga naman GGSS na GGSS.
Minsan napapaisip ako sa mga itsura ng mga operator ng fictional characters. Kasi diba kung makaasta sila minsan para bang ang gwapo nila at ang ganda nila.
Minsan naman yung iba nagmamagaling, nagmamataas. Sabagay kahit naman hindi fictional character. Minsan kahit admins lang feeling bongga na sila. Nakakainis din minsan admins sa mga page or group. Haist bakit ba ako naglilitanya.
Inopen ko na yung update ni Zild Miloves ermergerd basta crush na crush ko ang character ni Zild sa story. Siya yung pinapangarap kong lalaki. Lahat ng katangian na gusto ko nasa kanya.
Kaya siguro favorite na favorite ko yung story. Lalo na yung kalokohan nila ni Blaster nako. Hahaha ang cute nila.
Ano ba yan ang tagal naman magloading. Bwisit na PLDT to nagbabayad naman kami buwan buwan ah.
Pag sila may kailangan magaling, pag kami na nagrereport ng nga problema ang tagal aksyunan. Makapagbill ng babayaran namin akala mo namang maganda serbisyo nila bwisit.
Ay pak ayan nagloading na after 12456789years of waiting.
Handsome Pogi Problem #35
Sinabi kong pangit ako.
Walang naniwala. Badtrip!
Wow ha grabe saan kaya talaga nito hinuhugot mga kalokohan niya? At tsaka bakit ba ganon yung title ng chapters niya, ngayon ko lang napansin ang redundant kasi talaga. May handsome na may pogi pa jusko.
Nakakaloka. Yung lang inupdate niya tapos ang daming reads, votes at comments. Iba hatak nito. Yung ibang authors kahit anong ganda ng story nila wala minsan pumapansin.
Kasi naman bakit nga papansin, unang una hindi gwapo yung nagsulat, pangalawa hindi sikat ang nagsulat. Minsan kasi ang choosy na ng ibang nagbabasa no? Yung iba lang naman hindi naman lahat.
Minsan ang gusto ng mga kabataan yung mga SPG nakakaloka talaga. Pero it's okay choice naman nila yun. Iba iba naman ng taste bawat tao.
Pero kasi minsan may mga confession na may makikita akong binabanggit na author doon na sobrang ganda ng story ang daming nagsasabi.
Out of curiousity syempre titignan ko yung story pero enebe di ko alam kung ano may problema kasi wala talagang kadating dating yung story I swear. Pero katulad ng sabi ko kanina walang pakialamanan.
Mas mainam pang sasarilinin nalang natin opinyon natin kaysa magkaroon pa tayo ng kaaway diba?
Pero hindi talaga yun ang problema ko. Ang problema ko yung puso ko.
Hindi ko alam kung sino pa ang crush ko si Zild ba na character sa wattpad o yung operator ng account ni Zild. I know it's too fast pero crush lang naman.
Gwaveh kasi yung humor niya as in super crush ko lagi mga lalaking may humor sa buhay. I'm not the kind of girl na mas gusto yung mga bad boy type or yung mga geeky type. Basta sa akin pag may humor ka iba ka.
![](https://img.wattpad.com/cover/126124428-288-k280322.jpg)
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Короткий рассказTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?