Amaris' POV
"Amaris!!!"
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Tumatakbo ito papunta sa akin.
"K-kanina pa kita tinatawag" humihingal pa ito habang nakakapit sa braso ko.
"Bakit? Sorry hindi ko nadinig. Hinga ka muna Nayeli." I said and patted her back. Hingal na hingal talaga siya. Napaka hyper talaga ng babaeng ito.
"Y-yung sa dance group natin. Ano kasi. Ano."
"Ha? Ano? Kwan? Ano ba to tao? Bagay? Hayop?" natatawa kong sabi. Damn ang corny ko talaga magjoke.
"Last mo na yan. Inimbitahan kasi tayo magsayaw para sa opening ng MIBF bago mag book signing yung mga authors."
"What? Seryoso ba? Lahat tayo?"
"Hindi pili lang tayo. Lima lang tayong napili ni manager. Hindi ka kasi umattend kaya nung sinabi name mo inoo na kita. Hehe." pagkasabi niya nun nag peace sign pa siya.
"Nayeli naman eh. Alam mo naman ayoko na sa mga ganyang bagay. Pasaway ka talaga. Magbaback out ako." naniningkit pa ang mga mata ko at nakakunot pa ang noo ko noong sinasabi ko sa kanya iyon.
"Hindi pwedeng magback out. Nagtanong na din ng mga kanta kanina at yung size nung damit sinabi ko na yung size mo." unti unti siyang humahakbang palayo sa akin.
Tinignan ko na siya ng masama.
"Tapos pala ano Cres, sabi ko kakanta ka din sa event. Maghanda ka ah. Babye!!!" after that she ran away, bago pa ako makasagot.
Argh that girl. Lagi niya talaga ako ipinapahamak. Ang sakit talaga sa bangs noong babae na iyon.
Sasayaw ako tapos kakanta? Like what the hell? Tapos sa MIBF pa?
Damn. Baka mamaya nandoon si ano. Hay naku. Bahala na si Batman.
Naglakad na ulit ako pauwi. After 5 years I can't believe na babaguhin ko ang sarili ko ng buong buo.
Natuto akong magtiwa ulit, naging friendly din ako. Si Nayeli isa siyang admin dati sa group na kinabibilangan ni Zild.
Hindi ko akalain na magiging close kami, at coincidence din kaya na pareho lang kami ng lugar and same college din na pinapasukan.
Nagmeet kami one time sa MIBF, gusto ko lang sana makita yung OP ni Zild pero sabi nila ni minsan daw hindi pa nagpakita si Zild kahit kanino.
Si author lang daw ang nakakakita palang sa kanya. Yung mga admins hindi pa din siya nakikita.
He's so mysterious. Pero dahil sa tulong ng mga bago kong kaibigan I decided to accept the fact that our story ended just like that.
Naalala ko din yung nangyari noong last time ko siyang nakausap.
After niyang malaman na ako din yung babaeng kachat niya he ended the call and blocked me again on facebook.
No reason. No closure.
I cried each night but then again miracles won't happen if you are not willing to do anything.
I decided to accept the fact that I will never know the reason why he did that but I have to learn my lesson.
There are questions that cannot be answered.
There are feelings that will never be reciprocated.
There are fears that can be cured.
Tanong kung bakit niya ginawa yun, pagmamahal kong hindi niya kayang ibalik, at takot kong magtiwala ulit.
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Krótkie OpowiadaniaTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?