Janus' POV
Kanina pa kami hindi mapakali dito sa labang ng emergency room simula noong maisugod namin si Amaris sa ospital.
God knows how scared I was when I saw her lying on the floor with blood all over her head.
Mabuti na lamang at noong nakita ko siyang sinusundan noong miyembro ng fans club ko ay sinundan ko din sila. Alam ko kasing mga war freak yung mga babaeng yun lalo na pag ako na ang involved sa usapan.
Tatanga tanga kasi ako bakit ba kasi binanggit ko pa ang pangalan ni Amaris. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito damn.
Paano kung nahuli ako ng dating baka namatay na ang babaeng mahal ko dahil lamang sa matabil kong bibig.
Guilt crept over me when they said she lost too much blood. Nakakaguilty rin ang nag aakusang tingin ng boyfriend at kaibigan ni Amaris sa akin. Sa akin naman talaga dapat ang sisi.
Hindi ko tuloy alam kung ano na ang nangyari sa limang babaeng may gawa nito sa kanya. Sa halip na sumama ako sa presinto para magbigay ng pahayag ko ay mas pinili kong dito sumama sa ospital. Hindi ko kayang hindi malaman kung ayos na ba ang lagay niya.
Damn I'm so really damned as hell. Paulit ulit bumabalik sa isipan ko ang eksena kanina.
Matapos kong kumanta ay agad na akong bumaba ay dumiretso sa Men's CR. I can't believe sinabi ko sa harap ng madaming tao kung gaano ako kawasak.
Hindi ko na nahintay kung ano pang mga sasabihin nila. Naghilamos ako at napagpasyahan ko ng umuwi. Tutal wala naman akong gagawin dito. Mas lalo lamang akong masasaktan pag nakita ko si Amaris kasama ang boyfriend niyang patpatin tsk.
Paglabas ko ng pinto ng cr ay siya namang pagpasok ni Amaris sa girls' cr. Ngunit ang ipinagtataka ko ay nakasunod ang limang miyembro noong fans club ko.
Mukhang may hindi magandang binabalak ang mga ito.
Sumunod ako sa kanila sa cr ngunit nakitang kong nakasara ang pintuan. Damn. Tinry kong buksan ngunit nakalock ito mula sa loob.
Nagpanic na ako mabilis tumakbo para maghanap ng empleyado na maaring tumulong sa akin para mabuksan ang pinto. Damn. Hindi ko naman kayang sirain yun tulad ng sa mga napapanuod kong pelikula.
Palinga linga ako sa hallway noong may nakita akong janitor na naglalampaso ng sahig. Agad agad tumakbo dito.
"K-kuya I need your help. May nangyayari di maganda sa cr ng mga babae. K-kailangan nating mabuksan ang pinto." hinihingal ko pang sabi
"Ay nako ser tara na." pagkasabi noong ni manong janitor ay sabay na kaming tumakbo pabalik ng cr.
Buti nalang tama natiyempuhan kong empleyado.
Dali daling binuksan ni manong ang pinto.
"Isang author natagpuang patay sa CR ng mall. Wow. Ang gandang balita nun ah. I like it." dinig kong sabi ng isang babae pagkapasok ko ng pinto. At nakadinig ako ng sunod sunod na kalabog.
Bumungad sa akin ang isang ekesenang kagimbal gimbal.
Nakahandusay si Amaris sa sahig at napakaraming dugo na lumalabas sa kanyang ulo.
"K-kale- dinig kong sabi niya bago mawalan na ng malay.
Hanggang sa oras ng kapahamakan yung pangalan pa talaga ng boyfriend niya huli niyang inisip at binanggit.
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Short StoryTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?