Chapter 5

268 27 38
                                    

Amaris' POV

Papauwi na ako galing department store nandito ako sa labas pinag iisipan ko kung mag jijeep ako o magmonotor. Masyado kasing madami ang napamili ko, mabigat pa kaya nga pinag iisipan ko talaga.

"Ano ba bitawan mo nga ako. Di ba sabi ko sayo ayoko na. Ilanh beses mo na akong niloko tapos babalik pa ako sayo. Tanga na nga ako na minahal kita mas magpapakatanga paba ako na makikipagbalikan sayo sa lahat ng panlolokong ginawa mo. Gago ka!" napalingon ako sa isang babae at isang lalaki na dalawang dipa ang layo sa akin.

Umiiyak ang babae nakasuot siya ng usong damit ngayon yung jumper dress yata ang tawag doon. Naka rubber shoes siya na white. Mga nasa 5'6" siguro ang height niya. Maputi may medyo brown na buhok. Mapupula ang mga labi makinis ang mukha, matangos ang kanyang ilong.

Isa lang ang masasabi ko napakaganda ng babaeng ito. Base sa nadinig ko mukhang niloko siya ng lalaking kasama niya na nakahawak sa kamay niya. Mukhang inaalo ang babae. Tinitigan kong mabuti yung lalaki.

He's wearing a faded ripped jeans, black v-neck shirt with white converse shoes. Tinignan kong mabuti ang sapatos nila. Aba naka couple shoes pala sila. Pero mukhang maghihiwalay naman sila. Nagkibit balikat nalang ako. Baka sabihin ang tsismosa ko.

Kaya ayoko ng relationship masyadong kumplikado, masyado lang masakit. I've been through many heartaches caused by my family, I don't want to add another just because of some guy. I have trust issues.

"Please baby. Hindi ko na uulitin. Please forgive me. I love you. I really do. Please don't leave me." sabi noong lalaki sa nagsusumamong tinig.

Tss. Baby my ass. Lahat yata ng may tawagan na baby naghihiwalay. Bakit ba kasi puro baby ang endearment ng mga kabataan ngayon? Wala bang iba? Tss. Millenials haist I really can't understand them at all.

"I'm sorry Kayden but it's for the best. Ayoko na pagod na pagod na ako. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon naman na mahalin ang sarili ko. I've poured all my love for you but you just took it for granted. I'm breaking up with you. I'm sorry." pagkasabi niyon ng babae ay kumalas na ito sa pagkakahawak noong lalaki at pumara ng paparating na tricycle.

I was dumbfounded I just witnessed a break up scene in front of my eyes. Wengya. Ganon pala yun pag totoong pangyayari parang yung mga napapanuod ko lang sa TV yung sasabihin na "It's not you, it's me." Wengya. Tinitigan kong maigi yung lalaki gwapo naman may itim siyang hihaw sa tainga. Mukhang pakboi ang itsura nito. I'm not a jusgemental type of a person pero kasi yung lalaking ito ewan ko basta nadinig ko lang sa isang kaklase ko na pag nakahikaw ng itim ang isang lalaki pakboi daw.

Lumingon sa akin yung lalaki. Muntik na akong mapanganga sa itsura niya. Wengya. Pakboi na pakboi ang dating ang gwapo. Bagay sila nung babae kanina kaso babaero naman ito.

Umiwas ako ng tingin at pumara na din ng tricycle ba paparating. Sumakay ako dito tinulungan ako noong driver na isakay sa motor ang mga napamili ko. Paglingon ko sa lalaki nakatingin pa din sa akin yung lalaki na nakakunot ang noo. Kinunutan ko din siya ng noo aba hindi pwedeng siya lang. Bigla na lamang siyang ngumiti at kumindat.

Napatanga naman ako. Walangya. Dalawang gwapong lalaki ang nakita ko ngayon araw. Madami palang gwapo dito sa Pilipinas bukod sa mga artista. Akala ko mga jejemon lang mga lalaki dito sa Pinas hindi pala.

Noong nakarating ako sa bahay ay inayos ko na ang mga pinamili ko. Kumuha ako ng dutchmill habang iniinom ko ito ay inopen ko ang facebook ko.

Pag open na pag open ko palang ng messenger ko ay biglang may nagrerequest ng video call.

Zild Gwapo Finley is calling you on messenger...

Siya na naman. Ano na naman problema ng lalaking ito ang kulit kulit. Ako lagi napagdidiskitahan.

Behind that Fictional Character (Completed)Where stories live. Discover now