Chapter 13

194 27 24
                                    

Amaris' POV

"Hindi nga kasi pwede eh. Ang kulit kulit mo!"

"Eh sa gusto ko nga sumama don eh magagawa mo panget."

"Mas pangit ka. Napakapangit mong chingkit ka."

"Huh. Ako panget? Wala sa lahi namin ang pangit no. Lumayo ka sakin baka mahawaan ako."

"Heh. Sasama ako sa ayaw at sa ayaw mo diba Cres?"

"Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa lagi nalang kayo nag aaway, simula ng magkita kayo ganyan na kayo. Mali yatang ipinakilala ko pa kayo sa isa't isa." napahilot ako sa sentido nag aawat na naman kasi si Nayeli at si Cae.

Hindi ko akalain makakaclose namin itong singkit na ito na kapitbahay namin ni Nayeli, kaso simula ng magkakilala sila lagi na sila nag aaway.

Kung di ko pa alam nagpapapansin lang sila sa isa't isa. Naalala ko naman yung halos hindi ako makatulog dahil sinabi niya sakin nung una kaming nagkita.

Naisip ko pa na siya si Zild. Sobra sobra pa naman kaba ko nun. Tapos nag assume pa ako na pinagtagpo kami ng tadhana.

Hindi ko naman akalain na ganito pala kagago yung lalaking ito. Who would have thought na si Cae pala ay isang OP na kilala ako 5 years ago. Kaya pala sabi niya nice seeing you face to face. My gawd ganito ba kagwapo lahat ng OP?

Hanggang ngayon iniimagine ko pa din kung ano itsura ni Zild. Nagulat ako noong may kumurot sa magkabilaang pisngi ko.

"Hey Cres you're spacing out again." sabi ni Nayeli na nakatitig pa sa akin.

"Baka inaalala ni buwan kung paano yung una naming pagkikita. Napagkamalan pa niyang ako si Zild." nakangiti pa ito ng nang uuyam.

"Bwisit ka talaga alam mo yun? Paano ba naman alam mo pangalan ko tapos yung last line na binaggit mo." inirapan ko nalang ito. At naalala ko nangyari noong tinanong ko siya kung siya ba si Zild.

Kalalabas ko lang sa pintuan mg apartment ko noong nakita kong kakalabas lang din ng kapitbahay kong singkit na bwisit.

Nakaheadset ito at may hawak na bond paper mukhang seryoso ito sa pagbabasa.

"Chingkit!!!"

Humabol ako dito. Napakabilis maglakad ang haba kasi ng legs ang laki ng hakbang hanep. Bakit kasi kailangan nakaheels sa trabaho ko eh.

"Mr. Antipatiko hey!!!"

Damn. Ang bingi naman. Nakakita ako ng maliit na bato sa daan. Naisip akong kalokohan. Pinulot ko ito at ibinato kay chingkit.

"Damn. Aray." napatingin siya sa likod niya habang ako nakangisi ng napakalapad.

"What's your problem woman? Ang sakit nun ah." hinahagod hagod nito ang likod niya na natamaan ng pagkakabato ko.

Nagpeace sign ako." Sorry di mo kasi ako nadidinig, hindi din naman kita mahabol no. May itatanong kasi ako." lumakad na ako palapit dito.

Nakatingin naman ito sa akin gamit ang mas lalo pa niyang pinasingkit na mga mata. Ang cute talaga nito. Mahilig pa naman ako sa mga lalaking singkit. Ang cute ng mga mata nila sarap kagatin.

"Okay so now what?" tanong agad nito noong pagkatapat na pagkatapat ko sa kanya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko at ano yung sinabi mong "nice seeing you face to face" ikaw ba yung OP ni Zild" prangka ko ng tanong sa kanya it's now or never muntik na kaya ako di makatulog kagabi.

Behind that Fictional Character (Completed)Where stories live. Discover now