Amaris' POV
Hanggang sa natapos sa pagkanta si Janus ay tahimik lamang ang lahat. Ang iba pa ngang fans ay umiiyak pa. Kung dati pagtatawanan ko sila dahil iisipin kong napaka OA nila. Pero naranasan ko na din namang umiyak dahil lamang sa ganitong pangyayari din.
You can feel his sincerity through his song. I wonder para kanino yung kanta na iyon.
"Thank you for that super madamdaming kanta. Natulala at naiyak ang audience dahil sa kanta mo. Pwede ko bang malaman kung paa kanino ang kantang iyon? Baka sakaling gusto ding malaman ng audience para alam nila sino sasabunutan dahil sa pananakit sa damdamin mo." nagsasalita ang emcee habang palapit kay Janus.
Naramdaman ko namang may sumiko sa akin. Kaya napalingon ako dito ng may naiiritang itsura.
"Bakit na naman ba?" singhal ko kay Nayeli.
"Chill. Mukhang para sa iyo talaga yung kantang yun no?" sabi nito na may malisyosang ngiti.
"Wag kang nag aassume." sagot ko din naman sabay irap at ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa entablado.
"Can I just describe her? Or can I say something to her in front of these people?" medyo may pag aalinlangang tanong ni Janus sa emcee.
"Sure. The stage is yours. We all want to know who she is." bumalik ulit ang emcee sa pwesto niya kanina at iniwan mag isa sa gitna si Janus.
"Uhm. Where would I begin? Let me describe her first. She's a very distant girl. Hindi siya mahilig makihalubilo. Medyo may galit din siya sa mundo dahil namuhay na siyang mag isa mula nang maghiwalay ang parents niya. She's tough but she's afraid to be attached to a certain person because she's afraid to get hurt. Behind her strong facade lies a very fragile princess. A princess that I have learned to love just by simply chatting with her, texting her and calling her." medyo pumiyok siya noong sinasabi niya ang huling linya. It's like he's reminiscing the timeline kung saang part na ng alaala niya ang kanyang ikinukwento.
"A princess that made my heart flutter. I'm a beast known by many girls. Why? Because I'm a known playboy in the fiction world. Pinapafall ko ang mga babaeng natitipuhan ko at pag nalaman kong hulog na hulog na sila sa akin bigla ko na lamang silang hindi papansinin ng walang sinasabing dahilan. Yun din ang balak kong gawin sa prinsesang ito, ngunit nagbago ang lahat dahil ako yung nahulog, natalo ako ng sarili kong laro."
"Isang laro kung saan nagiguilty ako umpisa palang noony nalaman ko ang kwento ng buhay niya. Inisip kong seseryosohin ko siya, aalagaan ko siya at hinding hindi ko siya sasaktan." napabuntung hininga pa siya.
Naalala ko yung panahong ikinukwento niya. This is the other side of the story. This is his side.
"Ngunit natakot ako. Natakot ako noong naramdaman kong hulog na hulog na ako. Natakot ako na baka pag ipinakita ko na ang tunay na ako ay bigla na lamang niya akong iwan. Na baka pag hindi na ako di Zild ay hindi na din niya ako gusto. Baka kasi gusto lang niya ako dahil gusto niya si Zild sa kwento hindi ang tao sa likod ni Zild. Operator lang ako, tao din ako. Isang taong nakatago sa likod ng isang character na hinahangaan ng karamihan."
At isa naman ako sa humanga na iyon. No scratch that it's worser than just a crush.
"There's a rule in fiction world. Don't ever ever fall in love with a fictional character or an operator you'll just end up hurting yourselves. I've hurt her. I am bound to choose between being an operator or pursuing the love of my life."
And he chose to let go of his feelings towards me.
"I end up chosing the most regretful choice of my life. Pinili kong ituloy ang pagiging operator at kaakibat noon ay sinaktan ko ang babaeng mahal ko. Pinutol ko lahat ng koneksyon namin tulad ng dati kong ginagawa ng hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan."
Yeah. You're like that. And it really hurts not knowing why you've left me all of a sudden. Yung pakiramdam na iniwan na naman ako pero mas masakit ito dahil noong iniwan ako ng magulang ko alam ko ang dahilan, pero yung pag iwan mo sa akin walang dahilan bigla bigla nalang. Parang bagyo na bigla na lamang humahagupit. Pero ang bagyo may signal ikaw wala.
"At eto ako ngayon. Ako naman ang nasasaktan dahil may mahal na siyang iba. Samantalang ako siya pa din ang itinitibok nitong puso ko. Wala naman siyang kasalanan, ako ang sala ng lahat ng bagay na nangyari sa akin. Masaya ako na naging author siya, isang sikat na author. Nagpapasalamat din ako dahil isinulat niya ang istorya naming dalawa. Isang istoryang masakit ang ending, magwewelga sana ako dahil tinapos na niya kaagad ang istorya namin. Pero ano pa nga bang magagawa ko kung may istorya na siya sa ibang lalaki. Amaris Crescent Santarina my baby shark, I love you. Sorry for hurting you have a very happy. And to your boyfriend don't ever hurt her or I'll go running back to her. That's all thank you." with that he left the stage. Hindi ko na nasundan kung saan siya nagpunta dahil pinoproseso ko pa din ang lahat ng sinabi niya.
He really did love me. I can't believe Janus loved me. I was still in awe knowing that we have the same feelings back then.
"CR lang ako." dali dali akong tumayo at dumiretso sa cr.
Naghilamos ako at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. I felt relieved and confused. Bakit ngayon lang siya nagpakita?
Bakit ginugulo niya ang damdamin ko. I touched my chest it's beating too fast. I'm very confused. What the hell. Mahal ko pa ba siya?
Nakarinig ako ng click. Tunog ng pagsara ng pinto.
Napalingon ako sa pinto at may limang babaeng nakatayo doon nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin.
"Wala kang tatakbuhan princess. Oh fuck hindi bagay sayo ang sinabi ni Janus na prinsesa ka. You're a biatch. I can't believe sinaktan mo siya. Haha kapal naman ng mukha mo hindi ka naman maganda." dahan dahan lumapit sa akin ang pinakamatangkad at maganda sa kanilang lahat.
Tinignan ko siyang mabuti. Para kasing nakita ko na siya noon.
"Mukhang hindi mo ako nakikilala gusto mo bang ipaalala sayo kung sino ako?" napaatras ako noong nasa harapan ko na siya mismo.
Wala akong laban sa mga babaeng ito. Lima sila isa lang ako.
"A-aray. B-bitawan mo ang buhok ko." pilit kong tinatanggal ang pagkakasabunot niya sa akin. Ngunit matigas ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Sa tuwing tinatangka kong alisin ang kamay niya ay mas lalong humihigpit at hawak niya at mas lalo pa niyang hinihila ito.
"Ah gusto mong bitawan kita? Okay." bigla niya akong binitawan at pabalyang itinulak. Tumama ang ulo sa pader.
"S-shit. A-aray." ang sakit ng ulo ko at ng balakang ko. May naramdaman akong tumulo mula sa ulo ko. Sinalat ko ang likod ng ulo ko at tinignan ang basang nahawakan ko, kulay pula. Nagdugo ang ulo ko. Shet. No one's here to help me.
Sana maramdaman ng mga kasama ko na hanggang ngayon wala pa ako.
"Aww. Nasaktan ka ba? Gusto mo bang tanggalin ko ang sakit na nararamdaman mo?" hinila na naman nito ang buhok ko kaya napatayo ako.
Ang sakit sakit na ng anit ko. Nahihilo na din ako. Dahil na din siguro sa pag kakauntog ng ulo ko.
"Isang author natagpuang patay sa CR ng mall. Wow. Ang gandang balita nun ah. I like it." kinaladkad ako nito at ilang beses iniuntog sa pader.
Bumibigay na ang mata ko. Hindi ko na kaya ang hilong nararamdaman ko.
"K-kale-" sambit ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Halaaa ngayon lang nakapag UD sorry na hahaha. 😂😂😂
Merry Christmas and a Happy New Year 💙🎉🎆🎊
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Short StoryTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?