Amaris' POV
Buti nalang sembreak na. Napakadami naman kasing requirements sa school.
Yung mga minor subject na feeling major. Tapos may qualifying exam pa kami.
Ang hirap talaga ng accounting bakit ba kasi ito napili ko. Ang pangarap ko lang naman maging cashier noong bata ako, kasi natutuwa ako pag nakikita ko sa mall yung may drawer na kusang bumubukas tapos may mga pera sa loob.
Nakakatuwa kaya yun. Yun lang pangarap ko. Akala ko kasi more on math ang accounting, but I was wrong linchak nayan english pala ang accounting, more on analization.
Pero buti nalang talaga sembreak na. Yes this is life makakapagbasa na ako ng stories sa wattpad.
Maitutuloy ko ng basahin yung story na binabasa ko super nakakatawa talaga yung story na ito.
Puro kalaughtripan kasi eh biruin mo ba naman nainlove yung babae sa bading. Nun pala hindi naman pala talaga bading yung lalaki, kambal pala sila tapos nagpanggap lang yung isa na siya. Ewan ko di ko din naintindihan sinabi ko. Naintindihan mo ba?
Basta maganda yun, matatapos na ako eh. Pero tinatamad pa ako basahin yung last chapter at epilogue.
Alam niyo yung feeling na ayaw niyong matapos yung story kasi mamimiss niyo yung bida.
Pero gusto mo na din matapos para may happy ending na sila diba?
Pero yun nga tinamaan ako ng saltik sa utak kaya hindi ko muna tatapusin yung story.
Nagpunta ako sa facebook scroll scroll lang ako, hindi naman kasi ako mahilig maglike ng mga post unless gusto ko talaga yung nakita ko.
Scroll scroll lang hanggang sa may nakita ako sa Confessions of a Wattpad Reader.
Ang nakalagay doon ay yung isang group na mukhang para sa author nung binabasa kong story.
Makasali kaya? Tutal sembreak naman wala naman ako masyado gagawin. Might as well find new friends?
Pero makagawa kaya ng dummy account uso yun ngayon para itago kuno ang identity mo. Hmm.
Sige nga gagawa nga ako. Gumawa ako account sa gmail para secure yung account ano kaya gagawin kong name?
Dapat malayo sa name ko para naman di halata na ako yun. Dapat related sa moon kasi mahal na mahal ko ang buwan. Meaning din naman ng name ko is related sa moon.
My name is Amaris Crescent Santarina. Amaris meaning child of the moon tapos Crescent yung shape ng moon diba? Masyado kasi maliwanag ang crescent moon noong ipinapanganak ako kaya siguro yan naisip ipangalan sa akin ng mother ko.
Sabi nila unique pero minsan pinagkakatuwaan bakit daw ganon name ko. Pake ba nila? Pinakialamanan ko ba name nila?
Bakit yung ibang tao wala ng ibang magawa kundi mangkutya ng tao haist ewan ko.
Makapagsearch na nga lang ng magandang name. Ay eto nalang Erebus.
Ayon kay pareng google In Greek mythology, Erebus also Erebos "deep darkness, shadow", was often conceived as a primordial deity, representing the personification of darkness; for instance, Hesiod's Theogony identifies him as one of the first five beings in existence, born of Chaos.
Tutal mahilig naman sa sa black and para astig kunwari. Emo emo lang ang peg haha. Tapos ano ba ang other term sa moon. Ay eto Luna kabog.
Erebus Luna deep darkness of the moon. Ayan nakagawa na ako ng gmail and facebook, veverify ko na din. Ang problema ko nalang yung profile picture ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/126124428-288-k280322.jpg)
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Proză scurtăTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?