Amaris' POV
Erebus: Sabi ko na nga ba ganyan magiging reaksyon mong uto ka. Asa ka namang tatawagin talaga kitang ganyan.
ZildGwapo: 😢
ZildGwapo: Muntik na ako himatayin sa kilig tapos joke lang pala ang lahat. 😧
ZildGwapo: Bakit ka ganyan? Di mo ba talaga ako gusto? Sa dami ng nagkakagusto sa akin. Ikaw lang kinukulit ko ng ganito. 😧
Napataas kilay ko sa mga pinagsasasabi niya.
Erebus: Yun na nga bakit ba kasi ako?
ZildGwapo: Kasi iba ka. 😄
Erebus: Paanong iba? Ano pinagkaiba ko sa kanila bukod sa hindi mo pa nakikita ang mukha ko?
ZildGwapo: Hindi ko alam kasi siguro hindi ka nangungulit about sa akin?
Erebus: Bakit naman kita kukulitin?
ZildGwapo: Kasi fictional character ako? 😅
Erebus: Oh tapos ano mangyayari pag fictional character ka? I really don't get it.
ZildGwapo: People, mostly girls wanted to be noticed by boy fictional characters. Para bang kinikilig sila pag kausap or napansin namin sila.
Erebus: Ah. Iniisip siguro nila na ikaw talaga yung tauhan dun sa binabasa naming story.
ZildGwapo: Tama bukod sa matalino ako gwapo kasi ako.
Erebus: Walang connect kaya lumubay ka. Tao ka lang din naman. Lalaki ka lang din naman. Bukod sa wala pa sigurong nakakakita sa itsura mo wala namang kakaiba sayo.
ZildGwapo: Grabe ka na talaga sa akin baby shark. Alam mo ba.
Erebus: Hindi ko alam. 😑
ZildGwapo: Gwavity basag ako doon ah. Eto ipapaalam ko sayo.
Erebus: Osige ano na naman kacornihan yang sasabihin mo?
ZildGwapo: Ikaw palang nakakadinig sa boses ko.
Noong nabasa ko iyon bigla na lang nagwala ang puso ko. Like what the heck ano nangyayari? Kinabog kabog ko yung dibdib ko. Sheyt this is not good. Napatingin ako sa salamin sa tapat ko. Damn namumula yung pisngi ko. This is really not good.
ZildGwapo: Baby shark? Ano nangyari sayo? Masyado ka naman yata kinilig?
Zild Gwapo Finley is calling you on messenger...
Muntik ko na maibato ang cellphone ko noong nakita ko na tumatawag siya. Damn lalo bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Dali dali kong kinancel ang tawag at pinatay ko ang wifi ng cellphone ko.
Tumayo ako at nagpalakad lakad pabalik balik sa harap ng lamesa.
Iniisipan ko ng magandang logic yung nangyayari sa akin. Hindi ko naman siguro gusto si Zild diba?
Okay gusto ko siya siguro crush kasi crush ko si Zild sa story.
Pero madami akong crush na male lead.
Hindi ko naman siguro mahal si Zild diba? Damn. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumalik na naman ang pagbilis ng tibok nito.
No. This is not good. Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya gusto.
Yes I don't like him. Yung ang totoo Amaris. Damn wake up you stupid girl. You should not let yourself fall. Iiwan ka lang niya.
Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa lababo. Naghilamos ako. Damn kinakausap ko na naman ang sarili ko.
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Short StoryTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?