Kale's POV
Nakalabas na si Amaris sa emergency room kahapon pero simula non hindi pa siya nagigising.
Kasama ko din nagbabantay si Janus dito mula pa kahapon. He's feeling guilty. Dahil sa nasabi niya kaya nandito sa kalagayang ito si Amaris ko. Baka eto na ang huling beses na masabi kong akin siya. Baka sa pagmulat niya malaman na niya talaga kung sino ang mahal niya.
Willing naman akong magparaya. Si Janus naman talaga ang una. Kung hindi siguro ako umeksana silang dalawa ay masaya na ngayon. Hindi na sana nasa ganitong kalagayan si Amaris ko.
Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ko na ginawang lumingon. Nanatili ang titig ko sa kasintahan kong mahimbing na natutulog sa kama. May benda sa ulo. Namumutla na din siya. Pati ang kanyang labi ay nagpuputok putok na sa sobrang dry.
Ngunit binabasa ko naman ito paminsan minsan ng basang bimpo.
Hawak hawak ko ang kamay niyang walang nakakakabit na dextrose. Hindi ba pwedeng magkapalit nalang kami? Ako nalang sana ang nasa kalagayan niya.
I hate seeing her this vulnerable. It may sound so gay but it's breaking my heart knowing the pain she's been through.
Damn this woman she never fails to make someone else I'm not used to be. Ibang iba ako bago pa naging kami. Ngunit nagbago ang lahat ng ito dahil sa kanya.
Please my moon gumising ka na. Nagdidilim na ng tuluyan ang mundo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Kale. Umuwi ka muna. Kayo ni Janus. Kami na muna ang bahala sa bestfriend ko. Wala pa kayong pahinga." napalingon naman ako kay Nayeli na kasama si Cae.
"Hindi na. Okay lang ako. Hihintayin kong magising si Cres." may paninindigan kong sabi. Gusto kong pagmulat ng mga mata niya ako ang bumungad sa kanya.
"Okay sige. Gusto mo bang ikuha ka nalang namin ng damit?" tanong pa din ni Nayeli.
"Sige Eli thank you." I smiled at her apologetically. Masyado na din akong nagiging sakit sa ulo ni Nayeli.
"Ikaw bro Janus ikuha ka na din naman ng damit o gusto mo ng umuwi?" tanong ni Cae kay Janus na tahimik lamang na nakamasid sa amin.
"Nakakahiya man pero makikihiram nalang ako ng damit. Salamat." sagot nito na halata na ang pagod sa tono.
Umalis na ang dalawa.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang hawak ang kamay ni Amaris.
Naramdaman ko naman gumalaw ang kamay niya. At napatingin ako sa kanyang mukha. Unti unting gumalaw ang talukap nito at dahan dahan nagmulat.
Napatayo naman ako at tumunghay sa kanya.
Mukhang nasilaw ito at napapikit ulit. Pag mulat ulit ng kanyang mga mata at inilibot libot nito ang tingin at huminto ito sa aking mukha. Matigil itong nakatitig sa akin. Para bang may iniisip dahil nakakunot pa ang mga mata nito.
"Babe. Can you see me clearly?" tanong ko sa kanya dahil hanggang ngayon hindi pa din siya nagsasalita at nakatitig lamang siya sa akin.
Naramdaman ko naman lumapit si Janus. Lumipat dito ang tingin ni Amaris. Tinitigan din niya ito ng matagal at mas lalong kumunot ang noo nito.
Don't tell me she has-
"Sino kayo? At nasaan ako?" nagulantang kaming pareho ni Janus nagkatinginan pa kaming dalawa na parehas ang reaksyon.
Ngunit agad itong nakabawi at lumabas ng pinto. Samantalang ako ay napaupo ulit sa kanina ko pang inuupuan.
Namamanghang nakatingin sa akin si Amaris. Na para bang hindi karaniwan ang reaksyon na nakita niya sa akin.
YOU ARE READING
Behind that Fictional Character (Completed)
Cerita PendekTo see is to believe. But in love. Do you really have to see someone or you just have to feel it? Meet Amaris Crescent a girl who fell in love with an operator of a fictional character. Will her love for a fictional character have a happy ending?