McCoy's POV
Today is Friday. Ganun pa din naman, parang halos walang pagbabago. Hanggang sa napansin kong walang Yves na nakabuntot kay Maris.
Mga pre, absent ba si Yves ngayon? tanong ko kay Paulo at Nikko na kasabay kong naglalakad ngayon sa hallway dahil lunch na at natatanaw namin si Maris na nasa unahan lang namin pero medyo malayo
Oo nga no? Parang hindi ko rin napansin kanina. sabi ni Paulo na parang wala namang connect sa tanong ko
Baka nga absent! Himala eh, nag iisa yung Maris mo. sabi naman ni Nikko sabay tingin sakin
Eh kung yayain ko kayang mag lunch? sabi ko dun sa dalwa at parehas naman silang nag thumbs up
Mas binilisan ko yung paglalakad ko para maabutan si Maris. Pero nung malapit na ko sakanya, bigla naman siyang nilapitan ni Loisa at parang kinausap pa. San naman nanggaling yon? Hays bigla nalang sumusulpot!
Napabalik nalang ako kung nasaan si Nikko at Paulo at napansin kong panay ang tawa nila -_-
ANG EPIC PRE! HAHAHA sabay na sabi nung dalwa kaya napailing nalang ako, wrong timing ka Loisa!
Pst McCoy! tawag sakin ni Loisa at pinapalapit pa ko habang nakatingin din sakin si Maris
Naglakad din naman agad ako papalapit sa pwesto kung saan sila nakatayo at sumunod naman yung dalwang ugok.
Bakit? tanong ko agad nang makalapit ako sa kanila at napansin kong pang asar yung ngiti sakin ni Loisa pero hindi ko nalang yon pinansin
Diba maglulunch na din kayo? Tara, sabay-sabay na tayo nina Maris! sabi ni Loisa kaya nagkatinginan kami ni Maris at nakangiti lang siya samin
Napatingin naman ako dun sa dalwang ugok na nasa likuran ko at tumango lang sila parehas. Buti hindi sila nagpahalata!
Okay sige. San niyo ba gusto? pag sang ayon at tanong ko kina Maris
Ako kahit saan eh! Ikaw Maris? sabi ni Loisa tsaka tumingin kay Maris
Uhm, di naman ako maarte sa pagkain kaya kahit saan lang din ako. sabi niya na parang nahihiya pa, siguro kase hindi pa siya sanay samin.
Kahit saan pala eh, edi mag kwek kwek nalang tayo dyan sa kanto! pagbibiro ni Nikko kaya napatawa kaming lahat
Tara nalang muna sa parking para makaalis na din agad tayo tapos tsaka nalang ulit natin pag usapan kung saan. sabi ko at tumango naman silang lahat kaya nagsimula na kaming maglakad
Nasa unahan namin sina Loisa at Maris at katabi ko naman sina Paulo at Nikko sa paglalakad.
Kakausapin ko si Loisa tapos daldalin niyo lang si Maris ha? sabi ko sa dalwang ugok at pumayag naman sila
Loisa! tawag ko at sabay naman silang napatigil at napalingon ni Maris
May sasabihin ako sayo. sabi ko at inakbayan ko siya pero wala namang malisya yon sa aming dalwa
Akin muna si Loisa ha? pagpapaalam ko pa kay Maris at tumango naman siya
Agad din namang sinabayan sa paglalakad nina Paulo at Nikko si Maris. Kaya ngayon, kami na ni Loisa yung nasa unahan nila pero lumayo kami ng konti para hindi nila marinig yung usapan namin lalo na ni Maris.
Ano nanamang trip mo panget? oo panget tawagan namin niyan kahit noon pa, at hindi ko parin inaalis yung pagkaka-akbay ko
Ayaw mo pa? Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh! halos magbulungan lang kami habang nag uusap hahaha
YOU ARE READING
I'll Keep Choosing You [ McRis ]
Fanfiction"I choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing YOU"