Chapter 4 - Closer Together

82 3 0
                                    

McCoy's POV

It's been three weeks since Maris became my friend. And every day with her, I can tell that she makes me the happiest person on earth.

But on the other side, the most jealous person everytime Yves is being "epal".

HUY PANGET! bumalik ako sa realidad nang sinigawan ako ng katabi kong si Loisa

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay namin dahil may gagawin kaming group project. Si Loisa palang ang nandito dahil sa kabilang kanto lang naman ang bahay nila.

Oh ano? tanong ko sakanya at nilagay ko na ulit sa bulsa ko yung phone

Lumaban ka naman! Natatalo na kita oh! sabi ni Loisa sakin na busy parin kakalaro ng ps4

Nandito kasi kami ngayon sa entertainment room which is paborito naming tambayan sa tuwing pumupunta siya dito.

Bakit natulaley ka nanaman ba? Atsaka sino yung nagtext? tanong niya naman nung nilalabanan ko na ulit siya sa ps4

WALA! Ang chismosa mo no? pagbibiro ko

Si Maris yung nagtext. Sinabi niya na paalis na siya ng bahay nila at nagreply naman ako ng "ingat ka".

Oo, mag ka-group kami at first time niyang makakapunta dito samin kaya medyo na-excite din ako.

Pero sa kasamaang palad, ka-group din namin si Yves. By friends kasi ang nangyari nung nag groupings kahapon. Syempre niyaya ko agad si Maris na sumali sa group namin nina Paulo kaso tinanong niya kung pwede din daw si Yves at pumayag na ako kesa naman ma-solo siya ni Yves diba.

YES WINNER NANAMAN! sigaw nanaman ni Loisa nung natalo niya ako

Nilapag ko na yung hawak kong controller at kumuha ako ng isang slice ng pizza na dala ni Loisa at ganun din ang ginawa niya.

Attack ka kasi ng attack! Nasan na yung strategy mo, bakit missing? pagtukoy ni Loisa sa madalas naming laruin pero teka, parang double meaning yun ah!

Napabuntong hininga ako at tumingin sakanya kaso hindi ko masabi yung nararamdaman ko ngayon hays.

Let me guess, si Maris no? minsan talaga mahirap magtago ng secret dito kay Loisa eh kase kilalang-kilala na niya ako

Nag fake smile nalang ako sakanya bilang sagot at alam kong gets na din niya agad yon.

Anong problema? seryoso niyang tanong at hindi inaalis ang tingin sakin

She's with Yves right now. Sabay sila ngayon kasi hindi pa alam ni Maris yung daan papunta dito kaya ayon, badtrip! napailing pa ako pagkasabi ko sakanya non

Tsk tsk! Imbes na gumagawa ka ng way para mapalapit pa lalo sakanya, puro selos pinapairal mo kaya walang nangyayari. sabi niya at natauhan naman ako bigla don

Paano? Atsaka anong way? tanong ko sakanya

In the past years, nagkaron na ako ng limang ka-MU pero chill lang ako non. Kaya kung kailan gusto ko ng mag seryoso, hindi ko naman alam kung paano.

Every girl deserves to be treated like a princess, so make your own way on how you'll show her. sabi niya at napangiti naman ako

Da best ka talaga panget! Kaya love na love kita eh! sabi ko sakanya sabay yakap

Kuya and Ate Loisa, kayo na? napahiwalay nalang kami sa yakapan namin nang may nagsalita mula sa may pintuan

Lumapit si Mich saming dalwa at pumagitna...

I'll Keep Choosing You [ McRis ]Where stories live. Discover now