Chapter 12 - Surprise

90 3 2
                                    

Maris' POV

3rd day of intrams. Ganun pa din. Walang pinagbago sa kahapon. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakausap ng matino si McCoy dahil sa kakaiwas niya sakin.

Nandito na ko sa school. Nag-iisa. Pero hindi nagtagal ay nilapitan niya agad ako pagkakita niya sakin na para bang ako talaga yung iniintay niya.

Hi, good morning! bati niya agad sakin na may kasama pang ngiti kaya nginitian ko rin siya pabalik

Nag umagahan ka ba? tanong niya habang nakakunot ang noo at tumango lang ako bilang sagot

Eh bakit parang ang tamlay mo nanaman? tanong niya ulit na parang nag aalala pa

Napabuntong hininga nalang ako at sinabing, Alam mo ang daming mong tanong! pagbibiro ko pa kahit wala talaga ako sa mood.

Napakamot naman siya sa ulo at napatawa ng mahina.

Ehem! Parang nagkakasiyahan dito ah! nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko, yun pala sina Kuya Luke lang

Ahh Kuya Luke kayo pala yan! Kakarating niyo lang? pagbabago ko ng usapan

Kanina pa kami dun sa office ng Mom ni Loisa. sagot naman ni Rayt

At kanina ka pa rin namin inaantay don. singit naman ni Kuya Luke

Ay sorry guys naka-- mag e-explain na sana ako kaso pinutol ako ni Jon

Halos kakapasok niya lang naman eh. seryoso niyang sambit

Hindi ka naman kausap diba? Bat ka nakikisali? pagsusungit naman ni Kid kaya nanlaki yung mga mata ko

Nagpapaliwanag lang tol. Hindi ko kasi gusto yung pagtrato niyo kay Maris eh. sagot pa ni Jon ng mahinahon pero parang galit na

Wag mo nga akong matawag-tawag na TOL hindi tayo close! pamimilosopo pa ni Kid

Hindi rin naman namin gusto yung pagbuntot mo kay Maris araw-araw eh! singit pa ni Nikko at nag smirk pa

Oo nga! Ang gusto lang naman namin ay layuan mo si Maris. Yun lang! pagsali pa ni Franco sa usapan

Nagkatinginan pa kami ni Jon pagkasabi non ni Franco.

Uhm, guys! Pwede chill lang kayo? Iwasan natin ang gulo please lang! pag-awat ko dahil parang anytime ay magsusuntukan sila -_-

Yang mga MAYAYABANG mong kaibigan lang naman ang nag uumpisa lagi ng gulo eh! pangangatwiran pa ni Jon kaya napakunot yung noo ko

Walang gulo kung WALA KA! Kaya wag ka ng lumapit pa ng lumapit kay Maris para okay tayong lahat. Naiintindihan mo ba yon?! sabi naman ni Paulo na halatang inis na inis na

HINDI! HINDI KO MAINTINDIHAN! WALA NAMAN AKONG GINAGAWANG MASAMA AH LALO NA KAY MARIS PERO BAKIT PILIT NIYO KAMING PINAGLALAYO?! nakasigaw na si Jon kaya naagaw niya ang atensyon ng mga tao sa paligid

Pwede ba Jon? Wag ka namang sumigaw! Nakakahiya na. pagsumbat ko sakanya

Hindi Maris! Mali yung pinaglalayo nila tayo kahit wala naman tayong ginagawang masama! Hindi tayo sunud-sunuran dito! -- sunod naman niyang sabi at ang sama na ng tingin niya dun sa anim -- Oh baka naman dahil kay McCoy! Ano? Tama ako diba? Yung leader niyo ang dahilan! Asan ba yung hayop na yon? Bakit lagi kayo yung umeepal?

Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko. Bakit naman naging si McCoy ang dahilan? Ang gulo!

Ako ba hinahanap mo? biglang may nagsalita sa likuran namin ni Jon kaya napalingon agad kami

I'll Keep Choosing You [ McRis ]Where stories live. Discover now