Chapter 13 - Happy Together

88 3 1
                                    

Maris' POV

Kinabukasan...

Bago ako bumangon sa kama ay tiningnan ko muna yung phone ko at nakita kong may text.

From: McCoyskie

Good morning! How's your sleep? Ako kasi maagang nagising eh di ko alam kung bakit hahaha pero baka excited lang akong makita ka mamaya ;) Sabay tayo papuntang school ha? Susunduin kita. Kain ka na ng breakfast, magpakabusog ka :*

Napangiti naman ako sa nabasa ko. He's very sweet talaga! Baka masanay ako lol.

Nagreply naman ako agad..

To: McCoyskie

Good morning din! Ayun masarap naman ang tulog ko haha. Sus bolero ka talaga! Okay sige. Ikaw din wag magpapagutom :)

Pagkasend ko non sakto namang may nagtext pa at nakita kong si Jon yon.

From: Jon

Good morning Maris! Pwede ba kitang makausap mamaya? Yung tayong dalwa lang sana.

Napakunot naman ang noo ko. Ano nanaman bang problema nito si Jon? Hays!

To: Jon

Importante ba yan? Di ba pwedeng itext mo nalang sakin?

Nang maisend ko na iyon ay ginawa ko na ang daily routine ko at inaantay ko nalang si McCoy dumating para sunduin ako.

*dingdong*

Ayan may nag door bell na kaya lumabas na ko.

Pagbukas ko ng gate, bumungad sakin ang isang lalaking nakasandal sa kotse niya at may hawak na isang red rose.

Bakit parang mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko? Dati naman wala akong pake kung anong itsura niya eh!

Hi. bati niya sakin at lumapit para iaabot yung rose

Thank you. -- sabi ko at ngumiti -- Pero para san naman 'to? pagtataka ko kase wala namang kahit anong occasion

Gusto lang talaga kitang bigyan. sagot niya sabay wink pa kaya nahampas ko sa braso pero mahina lang naman at tumawa lang siya

Tara na? pag aaya niya at tumango nalang ako bilang sagot

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse which is palagi naman niyang ginagawa because he's a true gentleman.

Pagdating namin sa school, sinalubong agad kami ng barkada ni McCoy at ng bestfriend niyang si Loisa na may masasayang ngiti.

OMG! You look so good together! Sobrang bagay niyo! pagpuna ni Loisa nang makita kami ni McCoy na sabay lang namang naglalakad

At talagang may pa-rose ka pa Panget ha! sunod ulit niyang sabi at nakipag apir pa kay McCoy

Wag mo ng pahirapan yang kaibigan namin Maris sagutin mo agad! Sobrang bait niyan! sabi ni Nikko na natatawa pa

Nagkatinginan naman kaming dalwa ni McCoy habang siya ay nakangiti ng bongga.

Yung mata mo nawawala nanaman McCoyskie ha wag kang ganyan! pagbibiro ko na kunwari ay kinikilig pa kaya nagtawanan silang lahat

Alam kasi nila na favorite ko yung ngiti at tawa ni McCoy kasi nawawala yung mata. Ang cute kasi eh!

Bigla namang nag ring yung phone ko kaya natahimik sila.

I'll Keep Choosing You [ McRis ]Where stories live. Discover now