Chapter 14 - Yes or No?

96 3 1
                                    

McCoy's POV

Month of January.

On the phone

Hello po Tita good morning! bati ko agad sa Tita ni Maris na naka-close ko na rin

(Oh iho! Kamusta? Tulog pa si Maris eh.)

Okay naman po ako Tita. Kayo po talaga ang sadya ko kaya napatawag po ako sa inyo.

(Bakit iho? May problema ba?) pagtataka ni Tita

Uhm, ano kasi Tita, sana wag niyo pong masamain ha? nahihiya ko pang sambit

(Depende iho! Ano ba yon?) natatawa pang sabi sa kabilang linya

Plano ko na po sanang tanungin si Maris mamaya kung pwede ko na po siyang maging girlfriend eh. Kung okay lang naman po sa inyo Tita! Hindi naman po ako nagmamadali. Pasensya na po ha? Gusto ko lang po ng -- dere-deretso kong sabi nang biglang putulin ni Tita

(Kalma ka lang iho! Gets ko na yung gusto mong iparating. At salamat kasi nagpaalam ka muna sakin.) medyo nakahinga na ko ng maluwag nang sinabi iyon ni Tita

Ah wala po yun Tita hehe. Syempre importante din po na may blessing galing sa inyo diba?

(Tama ka iho. You know what, gusto ko yung ugali mo! Bonus nalang yung itsura mo. Kaya naman boto ako sayo eh! At tungkol dun sa plano mo mamaya? Sige, pumapayag ako.) napangiti nalang ako dahil sa mga narinig ko

Marami pong salamat Tita! Promise ko po na aalagaan ko si Maris at po-protektahan ko siya hangga't kaya ko po kahit ma-busted man ako mamaya :P

(Walang anuman iho! Basta wag mo lang sisirain ang tiwala ko sayo. Patunayan mo sakin at kay Maris na deserving ka ha? Aasahan ko yan! Panigurado naman na hindi ka mabibigo dun eh lakasan mo lang loob mo.)

Gagawin ko po talaga lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint sakin. Sige Tita, salamat po sa encouragement! Maaasahan niyo po ako.

(Osige na McCoy, good luck nalang sayo mamaya. Balitaan mo nalang din ako iho.)

Sige po Tita! Thank you po ulit!

Call ended

Nag chat naman agad ako sa gc naming magkakabarkada na si Maris lang ang wala..

Marc: guys approved na kay Tita! tuloy ang plano :)

Loisa: Noted!

Nikko: Anong oras nga kitaan natin? haha

Luke: 1pm kina Loisa.

Nikko: Oks

Rayt: Okss

Franco: Oksss

Kid: Okssss

Paulo: Oksssss

Marc: mga ulol

Loisa: Mga baliw eh!

Time check: 8:26am

Ngayon palang ako magtetext kay Maris para kunwari ay kakagising ko lang. Magtataka kasi yon pag nalamang maaga akong gumising eh Sabado naman ngayon haha.

To: Maris

Hi, good morning :* Gising kana ba? Di nga pala ako makakapunta mamaya kina Loisa kasi pupunta kami kina Lola, bibisitahin lang namin. Pero pinagbilin na kita kina Luke, susunduin ka nila. Miss na agad kita hehe. Kumain ka agad ng breakfast mo ha? Smile ka lang :)

I'll Keep Choosing You [ McRis ]Where stories live. Discover now