Maris' POV
Paggising ko palang kaninang umaga, bumungad sakin yung 1 dozen na donut. Nakapatong kasi yon sa side table ko at may note sa labas na "See you tonight, Misis ko :)"
So ayun, lalo akong na-excite sa prom mamaya dahil kay Mister.
Sabi niya yung driver niya ang nagdala non dito sa bahay kase may swimming training siya ngayong umaga. That means, busy siya.
Pero hindi niya nakakalimutang pakiligin ako araw-araw. Ni hindi nga siya nauubusan ng mga pakulo eh. Kaya sobrang swerte ko sa kanya.
Anyways, eto ako ngayon sa living room, kinakain ko yung donuts habang nanonood ng Netflix.
Nasa work kasi si Tita kaya wala akong ibang makausap. Hanggang sa may tumawag...
On the phone
(Good morning Misis! Sorry, ngayon lang ako nakatawag ha? Buti nga umalis saglit si coach kaya naka-tiyempo ako) bungad ng kabilang linya
Good morning! Okay lang yon Mister! Anong oras nga pala tapos ng training mo? sabi ko naman
(Mga 2pm pa ang tapos ko dito Misis eh. Bakit?) na-disappoint naman ako bigla hays
Yayayain sana kita mag lunch dito sa bahay eh kaso matatagalan ka pala dyan.
(Gusto ko din sana pero ilang beses na kong umabsent sa training eh. Pero hayaan mo babawi tayo sa prom mamaya, okay?)
Sige sige.
(Susunduin ulit kita dyan ha? Sabay tayo pagpunta don)
Bigla ko namang naalala yung nangyari last year kaya sinabi kong..
Nako Mister! Ayan nanaman tayo eh hahaha. Diba last year sabay din tayong pumunta kaso na-traffic tayo ng bongga kaya di tayo umabot dun sa dance presentation ng section natin? Out of the way din kasi kaya mas okay siguro kung sa school nalang tayo magkita.
(Sure ka? Aagahan ko nalang pagsundo sayo para hindi na tayo ma-late) pamimilit niya pa
Oo Mister wag mo na kong sunduin. Magpapahatid nalang ako kay Tita o kaya sa driver. Basta babalitaan nalang kita ha?
Narinig ko namang napabuntong hininga pa siya bago magsalita ulit.
(Sige, kung yan ang gusto mo Misis ko)
Thanks Mister!
(Ah Misis ko, bye muna ha? Andyan na ulit si coach eh sorry. Love you!) nagmamadali niyang sambit
Okay. I love --
Call ended
Di ko man lang natapos yung sasabihin ko hayy. But I understand.
Pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko kanina.
McCoy's POV
Masyadong strict kasi yung coach ko eh kaya nakakatakot ding hindi sumunod sa rules niya.
After ng training, plano ko sanang dumaan muna kina Maris kaso nag text yung Mom ko.
From: Mom
Yuan, go straight to my office after your training. We need to tell you something important.
Kahit ayoko, no choice naman eh.
To: Mom
Okay Ma, I'm on my way.
Pagkasend ko non, sumakay na ko sa kotse at pinaandar ito.
YOU ARE READING
I'll Keep Choosing You [ McRis ]
Fanfiction"I choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing YOU"