Chapter 9 - Her First Love

94 1 0
                                    

McCoy's POV

Ang sarap-sarap ng tulog ko ngayon pero may biglang tumawag. Tsk istorbo!

Sinagot ko parin iyon nang hindi tinitingnan kung sino ito.

On the phone

What? medyo inis kong bungad sa kabilang linya

Agang-aga ang SUNGIT MO!

Napabangon nalang ako bigla nang marinig ko ang boses na yon at tiningnan ko pa sa screen ng phone ko kung siya nga talaga yon o baka panaginip parin.

Ikaw pala yan Maris! Sorry ha? Bakit ka nga pala napatawag ng ganitong oras? pagtataka ko, kase 4am palang eh 5:30 naman siya gumigising pag may pasok kami.

Sorry din kung nagising ka dahil sakin, hindi na kasi ulit ako makatulog eh! Parang excited na kasi ako sa intrams mamaya lol. narinig kong tumawa pa siya pagkasabi niya non

Hindi, okay lang! Bakit ka naman excited? Kase kakanta ka? sabi ko naman na parang natatawa pa

Ulul! Kinakabahan nga ako dun eh! Ewan ko ba! Feeling ko kase may magandang mangyayari mamaya. sa boses palang niya, halatang excited nga siya for intrams.

Sus! Wag kang kabahan, mag enjoy ka lang! No. 1 fan mo ko. pagpapalakas ko ng loob niya

Naks! Talaga ba? *laughs* Joke! Thanks sa support ha? No. 1 fan mo din ako. Ipag-cheer ko kayo mamaya ni Loisa! napangiti naman ako dun

Corny ng joke mo! But, you're welcome. Salamat din! Sige ha, dapat hindi ka aalis hangga't hindi natatapos yung laban namin! *laughs*

Wow nagsalita ang hindi corny! Oo naman, hindi talaga ako mawawala dun! Kayo kaya ni Loisa ang fave loveteam ko! napailing nalang ako kahit di naman niya nakikita

Atsaka nga pala, nood ka rin ng laro namin bukas. pagbabago ko ng topic

Bukas pa pala eh! Pero manonood naman talaga ako kahit di mo sabihin. nagkaroon lalo ako ng motivation para ipanalo yung laro namin bukas dahil sa narinig ko :)

Ah okay sige. Good morning nga pala kahit kanina pa tayo magkausap! sabi ko sakanya at narinig kong tumawa nanaman siya

Good morning din! Ikaw kasi eh, nag sungit ka agad! ako naman yung napatawa wahaha

Sorry na! Ang aga mo kasi nanggising eh! Joke!

HAHAHA sabi mo okay lang ah!

Oo nga! Kaya nga joke diba? pamimilosopo ko pa

Edi wow! Sige na, bye na! Mamaya nalang sa school. Good luck ha? Galingan niyong dalwa ni Loisa!

Osige, bye! Salamat ulit. Good luck din! Talunin mo silang lahat! sabi ko naman

I'll do my best! Thank you sa time, bye.

Anytime, Maris. Bye!

Call ended

(At School)

Kakarating lang namin dito ni Loisa sa school. Sabay kaming pumasok dahil nag practice kami ng konti para sa gagawin namin mamaya.

Ang schedule kasi for Mr. and Ms. Intramurals ay hindi lang pang isang araw kundi tatlong araw.

Nagulat na nga lang kami dahil kanina lang yon inannounce sa group chat ng lahat ng participants. Pero kay Loisa ko talaga unang nalaman dahil sinabi daw sakanya ni Ninang.

I'll Keep Choosing You [ McRis ]Where stories live. Discover now