Maris' POV
Sunday.
January 14.
2:20am.On the phone
HAPPY 1ST ANNIVERSARY MISTER! bungad ko pagkasagot niya palang ng tawag
(Oh Misis ko! Akala ko tulog kana?) pagtataka naman niya na halatang kakagaling lang sa tulog
Nagising ako bigla eh. Sorry ha? Tumatawag ka pala kanina eh nakatulog ako non. at exactly 12am kasi may missed call pala galing sa kanya
(Ahh yun? Okay lang Misis ko. Alam ko namang pagod ka) sabi niya sa malambing na boses
Ewan ko ba! Natural na malambing naman yung boses niya pero hindi parin ako sanay. Nakakakilig parin!
Eh ikaw? Anong oras ka natulog? Naistorbo ata kita eh!
(Hinde ah! Buti nga tumawag ka pa! Namiss ko agad yung boses ng Misis ko eh. Natulog na rin ako nung tinulugan mo ko :D) sabi niya naman at tumawa pa ng mahina sa huli
Nasa Laguna kasi sila ng family niya simula nung Friday ng gabi hanggang ngayon. Ako naman ay nasa Cavite kahapon dahil ikinasal yung cousin ko.
Tse! Bolero! ayan nalang ang nasabi ko
(Inaantok kana ba ulit? Gusto mo matulog na tayo. Kahit mamaya nalang ulit tayo mag usap) napansin niya ata kase ang tipid ko magsalita
Hmm, sige. Good mornight Mister! I miss you. Happy 1st Anniversary ulit! More years to come, okay? I love you so much.
(Good mornight! I miss you, Misis ko. Lagi mong tatandaan na sobrang mahal kita! Happy 1st Anniversary!)
Sige na, bye na muna! pagpapaalam ko
(Sige Misis ko)
Call ended
Pinatong ko na ulit yung phone sa mini table pero maya-maya lang ay may nag text pa..
From: Mister 💛
Sleep well, Misis ko. I love you always :*
Napangiti naman ako at agad na nag reply.
To: Mister 💛
Ikaw din po! I love youuu Mister :*
Wala pang isang minuto..
From: Mister 💛
:)
Hindi na ko nag reply. Ganyan talaga siya. Ayaw niya na ako yung nahuhuling mag reply kase gusto niya ay siya. Kahit walang kwenta yung last text ko, magrereply parin siya ng kahit ano. Sweet diba?
Time check: 8:43am
Paggising ko, tiningnan ko agad yung phone ko pero wala ni isang text galing kay McCoy. Siguro tulog pa yon. Kaya ako nalang ang naunang mag text.
To: Mister 💛
Good morning Mister! I just woke up. Napasarap tulog mo no? Wahaha. Anong oras nga pala kayo aalis dyan sa Laguna? Text mo agad ako paggising mo ha? Iloveyou :*
Pagka-send ko non, ginawa ko na ang daily routine ko. Dahil alam kong male-late na ko sa 9:30am mass, mamayang hapon nalang ako sisimba.
Niyaya naman ako ni Tita magpuntang mall. At dahil wala naman akong ibang gagawin, sumama na ko.
1 year na kayo ni McCoy no? tanong sakin ni Tita habang kumakain kami ng lunch
Tumango lang ako bilang sagot.
YOU ARE READING
I'll Keep Choosing You [ McRis ]
Fanfiction"I choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing YOU"