Maris' POV
Panibagong araw na naman. Pero bakit ganon? Hindi ko feel. Kung ano yung nararamdaman ko kahapon, ganito pa rin ngayon.
Sobra akong affected sa lahat ng nangyaring hindi maganda kahapon. First day of intrams pa naman non kaso minalas agad.
Aminado naman ako na ako yung may kasalanan. Pero naiinis pa rin ako sa sarili ko. Bakit ko pa kasi naisipang sumama kay Jon kahapon eh ayan tuloy nagkanda-leche leche na!
flashback
Guys, hindi ko na talaga keri! Parang sasabog na yung pantog ko kase kanina pa ko nagpipigil ng wiwi. pag amin ko sa mga kasama kong lalaki
Bat hindi ka mag cr? pagtataka ni Paulo
Hindi pa kasi sila tapos oh! nginuso ko sina McCoy at Loisa na masayang nag e-enjoy sa kanilang performance
Patapos na naman eh! Sige na mag cr ka na. sabi naman ni Luke
Lakasan niyo ang sigaw ha tulad nung ginawa natin kanina! bilin ko pa sa kanila dahil importante rin ang audience impact
Oo, kami ng bahala! Kaya bilisan mo na baka dito ka pa mapaihi eh. pagbibiro pa ni Nikko kaya inirapan ko bago ako tuluyang umalis
Dumeretso agad ako sa cr at gumaan ulit ang pakiramdam ko nung nakapag wiwi na ko haha.
Pabalik na sana ulit ako ng gym nang may tumawag sa pangalan ko.
Maris? Ikaw ba yan? shocks boses palang kilala ko na
Nagkunwari akong walang narinig kaya nagtuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad.
Teka lang! naramdaman kong papalapit na siya sakin kaya mas binilisan ko yung paglalakad ko
Pero hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may humila na sa braso ko.
Ikaw nga Maris! nakangiti pa niyang sambit pagkatapos kong mapaharap sa kanya
Uhm, hi. yan nalang ang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng dalwang taon naming hindi pagkikita
Dito kana rin pala nag aaral! Kamusta ka? kung makapagtanong siya kung kamusta ako akala mo naman hindi nang-iwan sa ere -_-
Okay lang. Sige bye, alis na ko. sabi ko nalang at tinalikuran ko na siya para umalis
Ah Maris, pwede ba tayong mag usap? tanong niya nang maka-ilang hakbang na ko paalis
Napatigil nalang ako at agad na humarap sa kanya.
Wala naman tayong dapat pag-usapan diba? pagde-deny ko pa kaya napatungo siya at napabuntong hininga
Wala nga ba talaga? tanong niya at tumingin lang sakin ng deretso
Alam mo Jon, deretsuhin mo nalang ako. Ano bang gusto mong sabihin o mangyari? medyo inis kong sambit sa kanya
Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sayo, sa lahat ng sakit na naramdaman mo dahil sa mga katangahan ko. Pangalwa, gusto kong sabihin mo lahat lahat sakin lalo na yang nilalaman ng puso mo. At pangatlo, gusto kong malaman mo na sobrang saya ko ngayon dahil nakita ulit kita -- mas lumapit pa siya sakin bago magsalita ulit -- Kung alam mo lang, sobra kitang namiss.
Hindi niya parin inaalis yung mga titig niya sakin kaya lalo akong naiilang. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa lahat ng mga narinig ko sa kanya. At mas lalong hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
YOU ARE READING
I'll Keep Choosing You [ McRis ]
Fanfiction"I choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing YOU"