McCoy's POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria, nagla-lunch. After nito, umpisa na ng program kaya magre-ready na rin kami ni Loisa.
Hanggang ngayon, natutulala parin si Maris kaya hindi ko maiwasang magtanong.
Maris -- tawag ko sa katapat ko kaya napatingin na siya sakin -- ayos ka lang ba? Bakit hindi mo man lang nagalaw yang pagkain mo? tanong ko ng may kasamang pag aalala
Napatingin din siya sa plate niya at napansing tama nga ang sinasabi ko kaya nagsalita siya, Ah oo naman, ayos lang ako! Medyo busog parin kasi ako eh. then she smiled at me but I know that it was kinda fake
Tumango nalang ako at napabuntong hininga dahil alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.
Pero hindi ko rin alam kung ano ba yung totoo na dapat kong malaman. Hays gulo!
Tumayo na ko mula sa pagkakaupo kaya napatingin silang lahat sakin.
Oh san ka pupunta? Di pa kami tapos kumain! sabi naman ni Loisa habang nakatingala sakin
Tapusin niyo yang pag kain niyo, uuna na ko sa office ni Ninang -- sabi ko nang nakatingin kina Paulo -- at ikaw, bilisan mo dyan ha, kanina pa nag aantay yung mag aayos sayo don. sabi ko naman kay Loisa kaya tumango agad siya
Palabas na ko ng cafeteria nang maramdaman kong may kumukuhit mula sa likuran ko.
Anong ginagawa mo? nakakunot noo kong tanong paglingon ko sakanya
Sumabay na siya sakin sa paglalakad at sinabing, Uhm, sinasamahan ka! Di ba obvious? simpleng sagot niya na may kasama pang ngiti.
Napabuntong hininga nalang ulit ako at hindi na nagsalita.
Bakit ba ang sungit mo? tanong niya at talagang nag pout pa hay ang cute niya
Ha? Anong sinasabi mo? pagde-deny ko pa
Ayan oh nakakunot nanaman yang noo mo! sabi niya at inalis ang pagkaka-kunot ng noo ko
Wala, ang init kasi eh ang banas banas! pagpapalusot ko nalang
Ang totoo kasi niyan, naiinis ako. Naiinis ako dahil parang may something kay Maris about dun sa Jon Lucas na yon! Parang may kakaiba eh kaso di ko alam kung ano.
Buang ka talaga! natatawa niyang sabi at sinampal pa ko ng mahina kaya napatawa na rin ako
Nag-aasaran lang kami habang naglalakad hanggang sa makarating na kami sa office ni Ninang.
Hayy ang sarap ng aircon! sabi ko nang makapasok kami doon
Talaga ba? Anong lasa? pamimilosopa nanaman niya
Tiningnan ko lang siya ng seryoso kaya naman napa-peace sign nalang siya haha.
Oh iho, where's Loisa? And who's this young lady? tanong ni Ninang at ngumiti nung nakita na kami
Kumakain pa po Ninang pero susunod na rin po agad yon -- tumango si Ninang pero nakatingin parin siya kay Maris -- At si Maris nga po pala, close friend po namin ni Loisa. pagpapakilala ko kay Ninang
Lumapit si Maris ng nakangiti para makipag shake hands pero imbes na ganon din ang gawin ni Ninang ay nakipag-beso pa ito, dahilan ng pagkagulat ni Maris.
Nice meeting you iha. You can call me Tita, okay? sabi pa ni Ninang at umupo na ulit
Tumango naman si Maris na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi at nagsalita, Yes po Tita, thank you po.
YOU ARE READING
I'll Keep Choosing You [ McRis ]
Fanfiction"I choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing YOU"