McCoy's POV
Vacant kami ngayong second subject. Kaya eto kami ngayon, nakabilog kaming magkakaklase sa sahig dahil may nag suggest na maglaro nalang kami ng truth or dare na pampalipas oras. Buti nalang walang KJ dito kaya lahat ay sumali.
Okay, game na ha? Walang madaya! sabi ni Nikko na siyang taga-ikot ng bote
GAME! pagsang-ayon naming lahat
Pinaggigitnaan ako ni Loisa at Paulo. Samantalang si Maris ay katapat ko at si Yves pa ang katabi niya.
Simula nung nagkasakit siya at dinala ko siya sa bahay, parang naramdaman kong naging cold na siya sakin. Hindi ko alam kung bakit, kasi wala naman akong ginagawang masama.
Gusto ko nga sanang tanungin siya kung may problema ba o ano, pero halatang umiiwas siya kaya wala akong magawa.
Sinubukan ko na rin siyang itext, ichat, at tawagan ng paulit-ulit kaso parang wala siyang pake. Tapos lagi pa silang magkadikit ni Yves.
Sabi naman ni Loisa, hayaan ko nalang munang bigyan si Maris ng time dumistansya sakin. Kase hindi daw naman iiwas yon ng walang dahilan.
Pero baligtad naman ang sinabi sakin ng mga kabarkada ko. Wag ko daw sukuan agad si Maris at ipakita ko daw araw-araw na importante siya sakin.
Kaya these past few days eh medyo magulo ang utak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin kong aksyon para sa sitwasyon namin ngayon. Hays ang labo din kasi niya!
Oh McCoy, buena mano! HAHAHA sabi ni Nikko nang tumapat sakin ang bote kaya nasa akin ang tingin ng lahat -_-
Truth or Dare? tanong nila sakin
Pag nag truth ako, sigurado mahirap itatanong nila sakin kaya doon nalang tayo sa safe hehe.
Dare! sagot ko naman kaya parang nanghinayang yung iba wahaha
Any suggestions, guys? tanong pa ni Nikko sa mga kaklase namin
Maraming nagsasabi ng naisip nilang dare. Pero yung president namin ang napili ni Nikko...
Ms. Pres, ano nga ulit yung dare mo?
Sino ang pinakamagandang girl dito para sayo? Lapitan mo at tabihan mo ngayon. sabi ni Krisha kaya nagsigawan yung mga kaklase namin
Dare ba talaga yan? Parang truth naman eh! pagrereklamo ko pa pero pabiro naman lol
Sige na McCoy, gawin mo nalang! sabi naman nung ibang lalaking kaklase ko -_-
Oo nga pre, wag kang KJ! sabi pa ni Nikko na may kasama pang ngiting pang asar hays
Tsk! Oo na! sabi ko at napabuntong hininga nalang
Syempre si Maris ang pinakamagandang babae para sakin. Hindi lang dito sa section namin, kundi sa buong universe pa!
Ang kaso lang, hindi naman kami okay ngayon tapos lalapitan at tatabihan ko pa? Baka mag mukha lang akong tanga sakanya non! At baka lalo lang akong iwasan.
Bago ko gawin yung dare, tumingin muna ako kay Maris at saktong nakatingin din pala siya sakin pero umiwas nalang bigla. Binalewala ko nalang yon at nagsalita na...
Pano ba yan! Hindi ko na kailangang umalis pa dito sa pwesto ko ngayon kase katabi ko na yung pinakamaganda. Syempre walang iba kundi yung muse natin! pagkasabi ko non ay naghiyawan lahat, nanlalaki naman ang mga mata ni Loisa nang tumingin siya sakin kaya kinindatan ko siya pero ginulo niya lang yung buhok ko :D
YOU ARE READING
I'll Keep Choosing You [ McRis ]
Fanfiction"I choose you. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing YOU"