Chapter 17 - Is this goodbye?

68 3 1
                                    

Maris' POV

One week after prom night, McCoy is acting really weird. Like he's being so obsessed with me and I have no idea what's up to him. I keep asking why he's like that but he will just answer "I'm sorry and I love you Misis ko".

Hindi naman sa ayaw ko sa kinikilos niya pero sadyang nakaka-panibago lang talaga. Dati naman kasi sakto lang yung pagiging sweet at clingy niya sakin, pero ngayon umabot pa sa point na ilang gabi na siyang nakikitulog sa bahay, yung tipong parang ayaw na niyang umuwi sa kanila.

Anyways, nandito ako sa kabilang kwarto na tinutulugan niya. Habang tinititigan ko siya, napapangiti nalang ako dahil na-realize ko na ang swerte ko pala talaga na may isang McCoy sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag iniwan niya ko.

Pero malaki ang tiwala ko sa kanya na hinding-hindi siya mawawala sa tabi ko. Kasi alam ko sa sarili ko na siya na talaga ang soulmate ko.

Napansin kong dahan-dahan ng nagmulat ang kanyang mga mata kaya nagsalita agad ako, Good morning pogi kong Mister! 

Napangiti naman agad siya at bigla akong niyakap ng mahigpit pagka-bangon niya.

Good morning Mahal ko. bulong niya sakin habang nakayakap parin kaya kilig nanaman ang lola niyo :P

Tara kain na tayo sa baba. pag aaya ko kaya humiwalay na kami sa yakapan

Sige Misis ko, susunod agad ako. sabi naman niya kaya tumango nalang ako at umalis na

Pababa na sana ako ng hagdan kaso narinig ko yung phone ko sa kwarto na nagriring kaya agad ko itong kinuha.

McCoy's Mom calling...

On the phone

Hello Tita, napatawag po kayo? bungad ko sa kabilang linya

(Nandyan parin ba ang anak ko?) seryoso agad niyang tanong

Ah yes po Tita. Kakagising lang po niya. Saglit lang po, pupuntahan ko sa kwarto para makausap niyo po.

(No Maris! Ikaw talaga ang sadya ko kaya ako tumawag.) bigla naman akong nakaramdam ng kaba 

Bakit po? 

(Gusto kitang makausap sa personal ng hindi nalalaman ni Yuan. Are you free this afternoon?) napakunot nalang ang noo ko, bakit parang may mali?

Mawalang galang na po pero bakit naman po hindi pwedeng malaman ni McCoy? Tungkol saan po ba yon?

(Sumunod ka nalang iha. Importante ito. So can we meet later at 2pm?)

Okay po. yan nalang ang nasabi ko

(Good! Mabilis ka naman palang kausap, sana ganyan ka rin mamaya. I'll just text you where to find me later, okay? Bye. Don't forget NOT to tell Yuan.)

Call ended

Natulala nalang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin at gawin.

Maya-maya, nakarinig ako ng footsteps na papalapit kaya agad akong bumalik sa katinuan.

Maris? tawag niya sakin sa labas ng kwarto at napansin kong unti-unting nagbubukas yung pintuan

Oh bakit? pa-inosente kong tanong

Ah napansin ko kasing medyo nakabukas yung pinto mo, ang alam ko kasi bumaba ka na kanina. 

Ano kasi, naalala ko lowbatt ako kaya chinarge ko muna phone ko. pagpapalusot ko at tumango naman siya

I'll Keep Choosing You [ McRis ]Where stories live. Discover now