I opened my eyes and I realized that I am flying in my demon form. In front of me is Black Phoenix. Alam na alam ko ang mukha niya dahil parang nakaimprenta na 'yon sa utak ko. Lumilipad siya gamit ang pakpak niyang gawa sa itim na apoy. At kitang-kita ko ang itim na apoy na bumabalot sa buong katawan niya.
"Gising ka na pala," sarkastikong sabi niya. Ano bang problema niya? "Tingin mo ba magagawa mo 'kong talunin?"
Sinubukan kong sumagot pero walang lumalabas sa bibig ko. Bigla siyang tumawa nang malakas. "Nagsayang ng buhay ang tangang 'yon para sa 'yo! Wala kang karapatang mabuhay!"
Suddenly, the whole world around us was burned by his black flame. I heard the people screaming and I covered my ears for me to not hear it.
Tumawa siya nang tumawa at humalo ang tunog ng nakakainis niyang pagtawa sa pagdaing ng mga tao sa paligid. "Tama na. Tama na. Tama na!" pagsigaw ko.
"Huy, gising, gising!" sabi ng isang pamilyar na boses na nagpabangon sa akin. Hinabol ko ang hininga ko. Isang panaginip lang 'yon ngunit dinig na dinig ko ang boses ng mga taong sumisigaw, mga taong sinusunog niya.
I closed my eyes and tried to forget everything. It's just a dream. Nothing serious. But I know for a fact that he's currently doing that in some parts of the world. Pinapatay niya ang mga taong sumusuway sa gusto niya. And nothing or no one can stop him.
"Are you ok?" the person beside me asked. I looked at him and realized that Zariel Eiors is beside me.
I looked at him with a serious expression and I saw how he stood up from my bed and gulped afterwards. "Anong ginagawa mo dito?" I asked.
Bigla namang naging iba ang ekspresyon niya. "Binabantayan ka. Tatanga-tanga ka kasi," mayabang na tugon niya.
Gano'n pala ah. I lifted his body and his sarcastic expression turned into shock. Binuksan ko ang pinto gamit ang kapangyarihan ko at binuhat ko siya palabas. I immediately locked the door afterwards by making a seemingly solid hand.
"Badshot!" dinig kong sabi niya sa labas. Problema nun?
"Naririnig kita mula rito!" sigaw ko at narinig ko ang mga yabag niya papaalis. Akala niya ata soundproof 'to.
Napailing-iling na lang ako. Hinimatay na naman ako for the nth time. I need to control my powers better. Pero kung bigla-bigla silang sasalakay anumang oras, tiyak mawawalan ako ng oras para makapag-ensayo.
I breathed deeply. Napahawak ako sa dibdib ko. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa panaginip na 'yon. Hindi ko na maalala pa ang mga sinabi niya pero tandang-tanda ko ang pagsigaw ng mga taong pinapatay niya.
Teka, ano na nga palang nangyari sa laban?
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko rito sa palasyo. Gabi na pala. Nakaramdam agad ako ng pagod sa ilang metrong pagtakbo ko kaya napagpasyahan kong maglakad na lang. That form consumed my physical and magical power. I used too much of my force to keep it for a few seconds or minutes.
Ilang wizards ang nakita kong tumatakbo habang umiilaw ang mga kamay nila. Mga healers. I think maraming students ng Alhalia Academy ang na-injured.
Sinundan ko kung saan sila pumupunta at napansin kong napakaraming wizard sa isang wing ng palasyo. Divided ang buong palasyo sa left at right wing. Pagpasok sa entrance ng palasyo, mararating ang trono ng hari na nasa pinakadulong pasilyo. Nasa kaliwang wing ang kwartong pinanggalingan ko at nasa right wing naman lahat ng mga wizards na sugatan.
"Ophiel!" someone shouted my name.
I searched for the source of the voice until I saw Sylvia running towards me. I was stunned when she suddenly gave me a hug.
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasy[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...