Final Chapter: Xeophin Lockenheart

428 17 4
                                    

MODERN WORLD

"Wala ka na ba talagang balak na magpakita sa kanila?" tanong ni kuya sa akin.

Umiling-iling ako. "Nahihiya ako sa mga nagawa ko sa kanya."

Bumuntong-hininga si kuya. Alam kong gusto niyang puntahan ko ang kaibigan ko. Ngayong bumalik na ang alaala namin pareho, nakaramdam ako ng hiya dahil sa inasta ko kay Ophiel nang magkita kami.

Alam kong nasaktan ko siya lalo na nang maging kami ni Lyren.

"Hindi mo na ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa—"

Hindi ko na siya pinatapos pa. "Hindi na. Masaya na sila ni Zariel. Ayaw ko nang guluhin pa ang lahat."

Si Lyren lang ang bahagyang na-recognize ko nang magkita kami dahil sa napanaginipan ko noon. Siya lang ang pamilyar na taong nakita ko doon.

Kaya akala ko'y totoo ang sinabi niyang mahal namin ang isa't isa.

Argh. Nakakahiya talaga. Hindi ko naman siya nagustuhan kahit kailan. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

"Bahala ka. Kasiyahan mo lang naman ang iniisip ko."

Iniba ko ang usapan. "Ikaw? Wala ka bang balak maghanap ng panibagong asawa?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Alam mo namang—"

Natawa ako at maya-maya pa ay natawa rin siya. 

Ayaw ko nang bumalik pa sa magic world. Gusto kong mamuhay na lamang nang normal. Pero habangbuhay kong iingatan lahat ng mga alaalang nabuo ko sa mundong iyon. Masaya na ako sa pamilyang mayroon ako. Masaya ako kahit na si kuya lang ang kasama ko dito sa mundong ito. Sana maging masaya rin siya. At sana . . . sana hindi niya ko makalimutan.

-END-

ꓳ▪▪▪▪▪▪[=========>  

A/N: Hey, if you're reading this, thank you for spending your time to read this story. I hope you appreciated it!

Also, I would very much appreciate if you leave a comment about your thoughts on the story. Be it positive or negative, I am willing to hear it! This will be used so I can further improve myself. Thank you!

Harbinger of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon