Ilang araw akong nagsanay para mawala sa isipan ko ang nakita ko last time. Days turned into weeks. Napakabilis ng oras para sa akin. Wala na akong ibang inasikaso kundi ang pagpapalakas ng kapangyarihan ko. I just want this to be over dahil gusto ko nang lumayo. Ayoko na sa lugar na ito.
"Don't push yourself too hard. Baka mamaya—"
"I don't care," irita kong tugon sa kanya. Simula nang sanayin ko ang sarili ko ay bihira ko nang kausapin si Zariel. Hindi ko nga maintindihan kung bakit patuloy niya pa rin akong sinasamahan kahit na sinusungitan ko lang naman siya lagi.
Kinontrol ko ang hangin at ang lupang nasa harapan ko. Bahagyang nawalan ako ng kontrol kaya itinigil ko muna ito. Hindi lang naman ako ang nandito ngayon.
"Tama si Zariel, Ophiel. Masyado mong pinapagod ang sarili mo. Isa pa, wala namang kalaban nitong mga nakaraang araw," sabi ni Headmistress Sylvia na nasa likuran ko pala.
"Ayon nga e, walang kalaban. Masyadong kahina-hinala ang kilos nila. Pwede silang umatake anumang oras," sagot ko sa kanya nang lumingon ako. Gaya ni Zariel ay parang nag-aalala ang hitsura nito.
"May problema ka ba? Napapansin ko kasing—"
Mapait akong ngumiti sa kanya. "Wala." Tiningnan ko si Zariel na nasa likuran ko. "May pupuntahan lang ako."
Bago pa siya magsalita ay kinontrol ko na ang katawan ko papalayo sa lugar na iyon. Pinalipad ko ang katawan ko papunta sa isang bundok na nasa likuran ng palasyo. Mas maayos na ang pagkontrol ko sa kapangyarihan ko. Hirap na lang ako sa pagkontrol ng lupa dahil lumilindol agad sa tuwing susubukan ko ito.
Parang ayaw ng katawan ko na mag-stay lang sa isang lugar. Napagdesisyunan kong lumipad na lang at tingnan ang buong Plendesia.
Maliit ang Plendesia kung ikukumpara sa ibang kontinente or countries. Sa tatlong bansa ay Plendesia ang pinakamaliit samantalang Glaravia naman ang pinakamalaki.
Naglibot lang ako at tiningnan ang mga taong palakad-lakad sa ibaba. 75% ng civilians ng Plendesia ay tumulong sa amin. Wala naman silang magagawa kundi tumulong. Hindi sila pwedeng tumunganga lang at hintayin na kami ang tumapos sa lahat.
Napatingin ako sa langitan. Hindi ko namalayang huminto pala ako. Natatakpan ang araw ng ulap kaya hindi naman ako naiinitan. Makulimlim ang kalangitan, isang indikasyon na maaaring umulan ngayong araw.
Sa totoo lang, ayokong mamalagi sa palasyo. Every second I spend there is torture. I want to forget the thing that I saw last time. But I guess, the more you want to forget something, the more you will remember it.
At sa paglipas ng ilang segundo, biglang bumagsak ang ulan. Hindi na ako iiyak pa. Ayon ang kahuli-hulihang iiyak ako. Dapat pala hiningi ko na tanggalan na lang din ako ng emosyon. Mas mabuti pang hindi ko na lang maramdaman ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.
Hinayaan kong mabasa ang katawan ko ng tubig-ulan. Wala naman akong pakialam doon. Mas lalo akong lumipad papalayo. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nasaan na ako. Pero alam ko namang hindi ako tumawid ng dagat kaya lupain pa rin ng Plendesia ang nasa ibaba ko.
Dahil sa pagtanggap ko ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ni Alpha, naging malakas ang kapangyarihan ko at dulot nito, mas mabilis ang movement ng mga kinonkontrol ko. Kaya naman agad-agad kong narating ang border ng Plendesia. Nauntog pa ako nang tumama ako sa barrier nito.
Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit. Masyadong mabilis ang paggalaw ko. Tiningnan ko ang nasa harapan ko. Dagat. Gusto ko munang mapalibutan ng tubig ngayon.
Tumingin ako sa ibaba at may ilang taong nakatingin sa akin, nagtataka siguro kung anong ginagawa ko doon. Ibinaba ko ang katawan ko at kinausap ko sila.
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasy[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...