I want to clear some things with the whole Black Phoenix story since some cannot be revealed using Xeo's POV or Ophiel's POV. That's why I will present 10 special chapters in order to clarify some parts.
You probably noticed that there are A LOT of unclear happenings (Like Black Phoenix being 300 years old or whatever).
Note that all 10 special chapters have different point of views and everything is arranged in chronological order (even though they didn't appear chronologically in all the chapters from the 2 books).
This special chapter's protagonist will be . . . Qymerah Vondiene. It will tell something about her past. It really sucks when you have to do something bad to your dear best friend.
[see Black Phoenix, Chapter 48: Before Everything]
So yeah, here it is. Enjoy!
ꓳ▪▪▪▪▪▪[=========>
THE TWISTED FATE | QYMERAH VONDIENE
"Anak, anong ginagawa mo?"
Agad kong sinarado ang librong binabasa ko at itinago iyon sa likuran ko. Masama ang tingin sa akin ni Daddy. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko at base sa tingin niya, mukhang mapapagalitan na naman ako.
"W-Wala po," nanginginig kong tugon.
Mas lalong nanginig ang mga tuhod ko nang maglakad siya papunta sa akin at kunin mula sa likuran ko ang hawak kong libro. Napasinghap ako.
"Bakit mo hawak ito?" seryosong tanong niya. Inihagis niya ang libro sa likuran niya nang hindi ako sumagot. Sinusubukan ko lang namang alamin ang tungkol sa iba't ibang magic. Nakasulat sa librong iyon ang tungkol sa mga Phoenix. Napapikit ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso at hinawakan nang mahigpit. "Bakit hindi ka sumasagot?!"
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Wala akong magawa tuwing sinisigawan ako ni Daddy. Natatakot ako. Lalo na't wala na ngayon si Mommy. Iniwan na niya kami at ang sinabi ni daddy na dahilan, "Pinatay siya ng mga Phoenix."
Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Wala nang kapangyarihan ngayon si Daddy pero malakas pa rin ang katawan niya. Lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan ang lahat. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sa akin si Daddy.
"Wala kang kwentang Dragon!" sigaw niya bago lumabas ng kwarto. Binalibag niya pa ang pinto kaya napapikit ako.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Wala akong kaalam-alam kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Pakiramdam ko'y nasa isa akong misteryo at hindi ko mahanap ang sagot. Nangangapa ako sa dilim. At wala akong maaninag kahit isang daplis ng liwanag.
Biglang may kumatok sa bintana ng kwarto ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Inayos ko ang sarili ko bago ako humarap sa kanila. Nandito na sila, ang mga kaibigan ko.
Binuksan ko ang bintana at bumungad sa akin ang dalawang kaibigan ko, sina Azelea at Viriezen. Nakangiti sila sa akin pero agad nawala ang ngiti nila nang mapansin nila ang namumugto kong mga mata.
"Merah, okay ka lang ba? Sinaktan ka na naman ba ng tatay mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Azelea. Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya akong napaatras dahil sa hapdi. Muling bumagsak ang mga luhang ikinukubli ko.
"Huwag ka nang umiyak. Tara, punta tayo sa bayan," nakangiting paanyaya sa akin ni Viriezen.
Biglang tumigil ang pagpatak ng mga luha ko at isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking labi. "Talaga?"
Tumango siya at napatingin siya kay Azelea. Tumango lang si Azelea at napangiti ako. Lumabas ako mula sa bintana at maingat kaming nakalabas sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Daddy ngayon.
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasi[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...