Chapter 17: Alpha

239 15 1
                                    

Hindi ako makatulog nang gabing iyon.

Fear is trying to conquer me. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay masama ang magiging epekto ng desisyon na gagawin ko.

Natatakot ako dahil alam kong kapag pinikit ko ang mga mata ko, maaaring makita ko siya ulit. At kapag nangyari iyon, kailangan ko nang . . . magdesisyon.

Napatingin ako sa orasan. The sound it makes is like a melody of my death march. Paunti-unti. At sa bawat segundong lumilipas, mas tumitindi ang kaba ko.

"Akala ko ba desidido ka na?" bulong sa akin ng utak ko.

Napatango ako sa kawalan. "Tama, tama. Hindi na dapat ako kinakabahan pa dahil dito."

Muli akong humiga at tinakpan ko ng kumot ang katawan ko. Kailangang ko nang matulog. Kailangan ko nang magpahinga. Higit sa lahat, kailangan ko nang sabihin ang desisyon ko.

Ilang segundo pagkatapos kong ipikit ang mga mata ko, parang may humila sa katawan ko at napunta na lang ako sa kawalan.

"Too slow," dinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Muli ko siyang hinarap at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kalagayan niya. Mas dumami ang dugo sa mukha nito at may ilang pasa sa mukha niya. Mukhang hindi siya isang diyos kung titingnan ang kalagayan niya.

"Tititigan mo na lang ba ako? O magsasalita ka na?" sabi niya. Hindi bakas sa boses niya na nahihirapan na ang katawan niya.

"T-Tinatanggap ko n-na," nauutal na tugon ko. 

Bumuntong-hininga siya bago ngumiti sa akin. "Sigurado ka na ba?"

Napaikot ako ng mata. "Hindi sana ako humiga sa kama ko at natulog kung hindi pa ako sigurado."

Bahagya lang itong natawa. "Kung hindi pa kita pipiliting matulog, hindi ka mapupunta rito."

I sighed. "Hindi naman kasi madali ang gusto mong mangyari. Hindi lang ako namimili ng susuotin ko. Hindi lang ako pipili ng kakainin ko."

"Well, para kang pipili ng damit, Ophiel. Damit normal ba o damit superhero?" Humalakhak siya sa sinabi niya.

Tiningnan ko lang siya nang masama. Sira na yata ang ulo nito.

"Yeah. Bad joke." Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Alam mo naman na ang mangyayari, 'di ba?"

Tumango ako. "Sigurado na nga ako. Pinag-isipan ko na ang lahat."

Pinanliitan niya ako ng mata. "Sabagay. Mukha namang hindi ikaw ang tipo ng tao na magpapadalos-dalos."

"Mukha ba akong bobo?" inis kong tugon.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kalma. I'm not trying to make you mad." Bigla naman niyang ini-snap ang fingers niya. "There you go. Pagkagising mo, iba na ang lahat."

Napalunok ako. Isa na akong immortal. Habang buhay na akong mananatili sa mundong ito. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Pasensya na, Ophiel. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para isalba ang mundo. Kailangang may magsakripisyo. Kailangang may masaktan," malungkot na sabi nito. "Pero higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa 'yo. Salamat dahil pinili mong maging selfless. Tandaan mo, Ophiel. Mahirap mang mabuhay kahit ayaw mo na, pero sigurado akong may mga bagay na magpapasaya sa 'yo. At sinasabi ko sa 'yo, nandiyan lang ang kaligayahan mo sa tabi mo,  kailangan mo lang siyang hanapin at pakinggan."

Napatingin ako sa kanya at mukhang sincere naman ang mga sinasabi niya. Muli na naman akong umiyak. Sabi ko sa sarili ko ay hindi na ako muli pang iiyak. Pero heto ako at umiiyak sa harapan ng isang diyos.

Harbinger of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon