Chapter 13: Unlucky

233 15 1
                                    

"I need your body."

"Wait, what?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Bukod sa ang sagwa pakinggan ng sinabi niya, hindi ko rin maintindihan kung bakit niya kailangan ang katawan ko.

Napairap naman siya. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, okay? Kailangan kong puntahan si Alpha. Kailangan kong malaman kung nasaan siya at magagawa ko lang iyon kung sasanib ako sa katawan mo tutal hindi naman ako makakaalis sa kwartong ito."

"Saan mo naman siya hahanapin?"

Muling bumalik ang malungkot at seryosong mukha nito. "Oo nga pala. Kahit na connected ang senses namin, hindi ko rin naman matutunton kung nasaan siya." Napabuntong-hininga ito.

Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Isang Deity ang kaharap ko ngayon at nakakulong siya sa isang libro. Hindi ko inakala na may sikreto palang nagtatago sa ilalim ng palasyong ito, isang sikretong maaaring bumuo o sumira sa mundo.

"Sino ba ang naglagay sa 'yo dito?" tanong ko. "Tsaka, a-ano 'yong sinasabi mo tungkol sa Sacred Genesis?" Kailangang malaman ko kung ano iyon. Kung iyon ang susi para matalo si Black Phoenix, mahalagang malaman ko ang tungkol doon.

"The First King of Plendesia." Napatigil naman siya nang ilang sandali. "He wanted to live longer because he got a very powerful magic. That was 300 years ago. I'm not sure. I lost count of the time. Gusto niyang ipagmayabang at gamitin ito nang matagal kaya tinawag niya ang pinakamalalakas na wizards at gamit ang magic seals, kinulong nila ako sa librong kinuha mo kanina. Kung itatanong mo naman kung paano nila ako nahanap, gumagala kaming dalawa ni Alpha para hanapin ang isa't isa habang nasa physical form kami. Dahil kahit anong gawin namin, hindi namin makita ang isa't isa." 

Biglang tumulo ang mga luha niya. "I guess Life and Death have always been in love with each other. Life sent countless gifts to Death and Death can't give anything back in return."

Pinunasan niya ang mga luha niya. Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang mga sasabihin nito. Hindi naman sa wala akong pakialam sa sasabihin niya pero mas mahalagang malaman ko ang tungkol sa Sacred Genesis. "I am Plendesia's last soldier. When all else fail, Death will be the only one remaining and I will prevent incoming enemies from touching the castle. I am the last defender."

"Pero bakit? Hindi ba't ikinulong ka nila dito? Bakit mo sila tutulungan?" Hindi ko rin kasi maintindihan ang last niyang sinabi. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan ang lahat ng ito.

She frowned at me. "King Spertum freed me once. Kinausap niya ako at ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat. That was 20 years ago. Pumayag ako na ikulong niya ako sa libro kung hahanapin niya si Alpha para sa akin. Pero sa tingin ko'y hindi siya nagtagumpay," malungkot na sabi nito. "Pinalagyan niya ng spell ang librong hawak mo kanina. Na masusunog ito at hindi na ako makukulong kung mayroong magbubukas nito. Dahil ayon sa kanya, bubuksan niya ito kapag nahanap na niya si Alpha."

"I'm sorry," usal ko. Maaaring umasa siya nang buksan ko ang libro kung saan siya nakakulong. Na pagkalabas niya rito, makikita na niya ang pinakamamahal niya.

"Don't be. Wala kang kasalanan." Sa kauna-unahang pagkakataon, nginitian niya ako nang sincere. "Regarding sa sinasabi mong Sacred Genesis, si Alpha ang may alam ng bagay na 'yon. Sa pagkakaalam ko, dalawang tao lang ang maaaring magkaroon ng gano'ng ability. Isang taong inborn ang ability na 'yon, at isang taong bibiyaan niya nito. At gaya nga ng sinabi mo kanina, mukhang si Black Phoenix ang nakahanap kay Alpha at mukhang siya ang bibiyayaan nito."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko. "Wait. So, pwedeng inborn ang isang makakakuha nito? Sino naman ang taong 'yon?"

Umiling-iling siya. "Hindi ko alam pero sa pagkakatanda ko, 400 years ago, may isang prophecy tungkol sa ipapanganak na may gano'ng ability. Hindi ko na maalala ang prophecy na iyon dahil matagal akong nakakulong."

Harbinger of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon