Okay, so this special chapter will answer the biggest mystery in Harbinger of Death: How was Xeo resurrected? How did he live once again?
Well, from the title, it looks like his mother is the culprit. What did Azelea do to revive her son? Also, where did Xeo's body go after his battle with Black Phoenix?
So this special chapter is a little bit confusing because of the technicalities but well, oh wait . . .
Why is Azelea alive? I thought she was dead from Chapter 1?
Woah, that's quite exciting to answer.
[see Black Phoenix, Chapter 1: The Lone Survivor and (i'll give a hint about a character in this special chapter) Chapter 6: Into the Magical Realm; see also Harbinger of Death, Chapter 1: Lost and Chapter 15: Shattered]
ꓳ▪▪▪▪▪▪[=========>
A MOTHER'S LOVE | AZELEA FAMIXX-LOCKENHEART
"Kailangan nating makaalis agad dito," sabi ko kay Fenix habang buhat-buhat ang katawan ng dalawang anak ko at ng asawa ko. May iba pang bangkay sa paligid pero hindi ko pinansin ang mga iyon.
Abala siya sa pagsusuri sa mga bangkay. Naririnig ko pa ang mga pagsabog sa labas. Kung may magic lang ako ay tumulong na ako sa kanila pero hindi ganoon ang kaso. Wala akong magagawa kundi dumepende kay Fenix at sa Teleportation niya.
"Buhay pa ang babaeng ito, Azelea!" sabi niya habang hawak-hawak ang bangkay ni Mivern sa kaliwang kamay. Binitiwan ko muna ang katawan ng mga anak ko. Mabubuhay kayo mga anak, gagawa ako ng paraan.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang babaeng sinasabi niya. Humihinga pa nga ang babae. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa tore kaya nagmadali kaming dalawa ni Fenix.
"Wala na tayong oras. Tara na!" sigaw ko sa kanya at hinawakan ko ang dalawang anak ko bago nag-teleport si Fenix pabalik sa bahay niya.
Agad bumagsak ang katawan ni Fenix pagkarating namin. Masyadong malayo ang pinanggalingan namin. Nasa kabilang dulo ng Glaravia ang Sacred Shores kaya naiintindihan ko kung bakit siya pagod.
Napatingin ako sa tatlong bangkay sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong mali ba ang ginawa ko sa buhay ko. May pagkukulang ba akong bilang nanay nila? Pakiramdam ko ay napakasama ko buong buhay ko. Patay na ang dalawang anak ko. Hindi ko alam kung may magagawa pa ako para maibalik ang mga buhay nila. Sa pag-iisip kong iyon, biglang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko.
Napatingin ako sa pwesto ni Fenix. Nakahimlay siya sa sahig habang hinahabol ang hininga. Marami na siyang nagawa para sa akin. Marami na siyang naitulong sa akin.
Siya ang nakakita sa akin sa gubat. Ilang taon akong na-comatose nang hindi ko alam ang dahilan. Sinabi sa akin ni Fenix na may mga incantations daw na nakaapekto sa katawan ko. Hindi ko alam kung sino ang gumawa n'on. Pagkagising ko ay wala na akong maalala sa mga nangyari. Naalala ko lang si Mivern at Phinder. Si Fenix ang nagsabi sa akin tungkol sa isa ko pang anak na hindi ko alam kung sino. Nakita niya raw kasi akong buntis noon pero wala naman daw ang anak ko nang makita niya ako sa gubat.
Pinaalala sa akin ni Fenix ang lahat ng nangyari sa akin. Sinabi niya ang lahat-lahat, lalo na ang tungkol kay Black Phoenix na pinipeste ang buong mundo.
Kaninang umaga, pumunta kami sa Quazline para bumili ng makakain namin. Doon kasi maraming mabibili. Narinig naman ang usap-usapan tungkol sa digmaang mangyayari. Narinig namin ang tungkol sa Sacred Shores. Hindi agad kami pumunta doon. Pero naisipan ni Fenix na tingnan ang mangyayari dahil may posibilidad raw na makita ko ang anak kong si Phinder doon.
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasy[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...