And once again, Ophiel is back to tell something!
What happened after Xeo was kidnapped by the fairies? Remember his first meeting with Lyren and her sister? What did Ophiel do afterwards? How did Ophiel enter Black Phoenix's army? What trials did she face in order to destroy Black Phoenix's army from the inside?
[see Black Phoenix, Chapter 24: Arc of Manipulation and Chapter 49: Truth; see also Harbinger of Death, Chapter 2: Lost and Chapter 12: Omega]
Enjoy reading!
ꓳ▪▪▪▪▪▪[=========>
GRIEF AND SACRIFICE | OPHIEL RHENSTREIM
"Three days."
Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan ko ang mga mata niya. "Hindi ko po alam kung kakayanin kong magsanay sa loob lang ng tatlong araw."
"May limitation ang mga katawan namin. Patay na kami, Ophiel. Wala kang magagawa. Isa pa, kailangan mong mahanap agad ang kaibigan mo," malungkot na sabi niya.
Napabuntong-hininga ako. Kumusta na kaya si Xeo? Anong nangyari sa kanya? Huli na nang madatnan ko siya dahil bigla siyang napalibutan ng mga ilaw na iyon. Kung hindi lang sana ako nag-inarte ay dapat magkasama pa rin kami ngayon.
Napapikit ako sa inis. Bakit ba kasi sinunog ng lalaking iyon ang gubat? Tatanga-tanga talaga.
"Kailangang mahasa ang kapangyarihan mo, Ophiel. Lalo na't hindi 'yan Telekinesis lang," seryosong sabi niya.
Napatingin ako sa katawan niyang tila gawa sa hangin. "A-Ano pong ibig n'yong sabihin?"
"Makikita mo." Pinagmasdan niya ang buong paligid. "Pakiramdaman mo ang hangin at subukan mo itong kontrolin gamit ang isip mo."
Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Pumikit ako at kinonekta ko ang sarili ko sa hangin na nakapalibot sa buong lugar. Huminga ako nang malalim at isang pwersa ang naramdaman ko sa loob ko.
Nawala ang kontrol ko sa kapangyarihan ko!
Napadilat ako at isang tornado na ang nakapalibot sa amin. Anong ibig sabihin nito?
"Ayan ang sinasabi ko," sabi ni Elder sa utak ko. "Arc of Manipulation ang tawag diyan." Isang ngisi ang ibinigay niya sa akin. "Ang isa sa pinakamalalakas na kapangyarihan."
ꓳ▪▪▪▪▪▪[=========>
Tatlong araw.
Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa bawat segundong lumilipas. Isang beses lang ako sa isang araw pwedeng kumain. Parte raw iyon ng pagsasanay ko. Para daw kung wala akong makain, kakayanin raw ng katawan ko na mag-survive.
"Tumayo ka. Hindi mo pa nakokontrol ng maayos ang lupa. Ulitin mo at maglabas ka ng malaking tower!"
Tumayo ako at napahawak ako sa mga tuhod ko. Nanginginig na ang mga ito at anumang sandali ay bibigay na. Ngayon ang huling araw. Kailangan kong matapos ito. Kailangan kong lumakas. Kailangan kong mahanap si Xeo.
Pinagdikit ko ang mga palad ko at pumikit ako nang mariin. Pinakiramdaman ko ang lupang nasa harapan ko. "Earth Manipulation: Rock Tower!"
"Dumilat ka at sirain mo ang ginawa mo!"
Idinilat ko ang mga mata ko. "Air Manipulation: Shattering Wind!"
The air around me turned into razor-shaped blades. Kokontrolin ko na sana ito ngunit pinigilan ako ng Elder.
"Gamitin mo ang katawan mo sa pagsira sa bato. Hindi lang magical ability mo ang kailangang lumakas, Ophiel," sabi ng Elder sa isip ko.
I lifted my right leg. "Air: Imbue."
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasy[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...