This special chapter will tell something about Cimmerie Nightwood's life. (And why Cimmerie wanted Xeo to go to Hypherius.)
[see Black Phoenix, Chapter 1: The Lone Survivor, Chapter 18: Curses and Knowledge, and Chapter 22: Before]
ꓳ▪▪▪▪▪▪[=========>
LOSING EVERYTHING | CIMMERIE NIGHTWOOD
"Kuya Zen, ang tagal kitang hindi nakita!" sigaw ko at tumakbo ako para salubungin ng yakap ang kuya ko. Dalawang taon ang tanda niya sa akin.
"Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita!" maligalig na sabi ko. 20 years old na ako at 22 years old na si Kuya. Sa Awilia siya nakatira dahil doon naninirahan si Lolo at Lola. Ako naman ay naiwan sa Vylle kasama si Mama. Maliit lang ang bayan ng Vylle at nasa ibabang parte lang ito ng Zyvenn. Isang lawa lang ang pagitan ng Zyvenn at Vylle.
"T-Teka naman, Cim, hindi ako makahinga," sabi niya kaya agad akong bumitiw sa pagkakayakap ko sa kanya.
Napanguso ako. "Sorry kuya, na-miss lang talaga kita."
Napailing-iling naman siya habang natatawa. "Kung umasta ka, para kang 10 years old. 20 ka na kaya."
Kumapit ako sa braso niya at niyakap ko iyon nang mahigpit. "Sorry na. Na-miss lang talaga kita. 4 years kaya tayong hindi nagkita. Tsk."
Natawa naman siya. "O siya, kumain muna tayo. Nagugutom na ako," aya niya at dumiretso kami papunta sa isang kainan dito sa Vylle.
Siya na ang um-order ng pagkain namin at umupo na lang ako habang hinihintay siya. Pinagmasdan ko ang kuya ko. May ilang features talaga kaming magkakaparehas. Hindi na ako nagtaka kung bakit may girlfriend siya ngayon. At ang Phoenix pa ang girlfriend niya.
Nagtataka nga rin ako kay Kuya kung bakit ayaw niyang sabihin ang magic niya. Hindi ko rin naman iyon maramdaman dahil hindi ko pa nama-master ang ability na iyon. Isang pitik sa noo ko ang nagpabalik sa akin mula sa pag-iisip ko.
Napatingin ako sa harapan ko at natatawa lang si Kuya. May sira na yata ang utak nito. "Inaano ka ba?" inis na sabi ko habang hinihimas ang parteng pinitik niya.
Tinawanan niya lang ako at lumabas ang dimples niya. Kung hindi lang talaga cute ang kuya ko, aba'y nasampal ko na ito dito.
Inirapan ko lang siya. "Nga pala, anong ginagawa mo dito?"
Sinimangutan naman niya ako. "Parang kanina lang miss na miss mo ako ah. Ayaw mo ba 'ko dito?" pa-cute niyang sabi. Nakakasuka.
"Drama mo. Bakit nga kasi?" pamimilit ko.
Bumuntong-hininga siya bago magsalita. Mukhang seryoso ang sasabihin niya. "Kasi . . . kasi . . . "
"Kasi ano?" agarang tanong ko. Napakapabitin naman kasi nito.
"Kasi—"
"Kasi talong na ang gusto mo?" shocked na sabi ko. Napalakas ang pagkakasabi ko kaya nagtinginan ang ibang tao sa pwesto namin.
"Ay sorry hehe. Joke lang po. Kain lang kayo," nakangiting sabi ko at bumalik naman sila sa ginagawa nila.
Isang malakas na batok naman ang natanggap ko. "Manghuhula ka na nga lang ng mali, isisigaw mo pa. Siraulo ka talaga," namumulang sabi nito. Parang anumang oras ay masasapak niya na ako.
Natawa lang ako. "Sorry na, kuya. Pabitin ka kasi, e. Akala ko nag-iba na ang preference mo. Well, tanggap naman kita kung gano'n kaya okay lang talaga. Sige lang, kuya. Ilabas mo ang lahat ng nararamdaman mo. Tandaan mo, kuya, nandito lang ako palagi sa 'yo. Palagi akong—"
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasy[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...