"O-Ophiel, lalaban ako," mahinang pakiusap sa akin ni Zariel habang hinihiga namin siya sa isang higaan dito sa camp na pinuntahan namin.
Irita naman akong napatingin sa kanya. "Huwag ka na ngang makulit! Mapapatay ka lang agad do'n!"
Napahinga siya nang malalim. "Pero kasi—"
Tinakpan ko ang bibig niya para hindi na siya magsalita. Kailangan ko nang makaalis dahil parating na sila. Sigurado akong nandito na sila sa loob ng 10 minuto. Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. "Huwag kang aalis dito," madiin kong sabi sabay talikod sa kanya para lumabas ng camp.
Nilapitan ko ang isang wizard para magtanong. "Parating na ba ang ibang reinforcements?"
Nakikita ko sa hitsura nito ang kaba. Parang takot na takot siya sa akin. Napalunok pa siya bago sumagot sa tanong ko. "O-Opo."
Tumango lang ako at lumipad pabalik sa pwesto nila Alania kanina. Nakita kong naghihintay na sila doon kasama ang ibang wizards. Agad ko naman silang nilapitan.
"Did they put barriers?" I asked her. Napansin ko kasi na parang nag-iba ang paligid lalo na ang bandang nakaharap sa dagat.
She nodded. "Ilang layers din ang nilagay nila. Sa tingin ko, sapat na 'yon."
"I don't think so," mahinang bulong ko dahil ramdam ko na marami ang paparating. Mas marami pa sa nauna noong nasa palasyo kami.
"Huh?" tanong nito. Mukhang hindi naman niya narinig.
Umiling-iling lang ako at ibinaling ko ang tingin ko sa dagat. I can actually use the sea to my own advantage.
"Water Manipulation: Hydra!"
A huge nine-headed serpent-like monster was formed from the water. It does not have any special abilities such as regenerating head or whatsoever. But my hydra can shoot out huge columns of water.
Nakita ko namang namangha ang mga nasa paligid ko. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nilang papuri dahil wala akong oras doon.
Water Manipulation. Sa apat na elements, ito ang masasabi kong pinakapaborito ko. Kahit na Air Manipulation ang madalas kong ginagamit dahil palagi namang may hangin, mas nalalakasan ako sa pwersa ng tubig kapag ginagamit ko ito.
Sigurado akong darating sila gamit ang mga eroplano nila. Nalagyan na ng enchantment ang buong Plendesia kaya hindi sila makakapag-teleport sa lugar na ito. Wala silang magagawa kundi pumunta dito gamit ang mga kagamitan nila at hindi ang kanilang magical ability.
When I felt the huge amount of energy coming, I readied my magic.
"Shoot!"
All nine heads shot huge columns of water towards the incoming planes. There were so many planes. Naghanda na rin ang mga kasama kong wizards sa pag-atakeng gagawin nila.
"Yes, Headmistress! I'll tell her," dinig kong sabi ng isang wizard. Napatingin ako sa kanya at napansin kong papalapit siya sa pwesto ko.
"Miss Ophiel, pinapasabi po ni Headmistress Sylvia na meron ding umaatake ngayon sa south at west border," sabi nito at kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha niya.
Pinalibutan nila ang buong Plendesia? Masyado pang maaga! Hindi kami nakapaghanda para sa ganitong klase ng pagsalakay.
Napapikit ako sa inis. Masyado silang mabilis kumilos. Hindi ko inaasahang ganito ang gagawin nila. We were caught off guard!
"May mga wizards ba sa west border?" agarang tanong ko dito. Nasa south ang mga Headmasters kaya sa tingin ko ay ligtas ito. Samantalang na-pull out lahat ng wizards sa west dahil pinapunta sila dito sa east border.
BINABASA MO ANG
Harbinger of Death
Fantasy[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel Rhenstreim, together with the wizards opposing Black Phoenix's rule, started thinking of a plan to s...