Enemies Are Just Around

913 22 1
                                    

Nagising ako dahil sa mga patak ng tubig sa mukha ko kaya unti unti akong nagising ramdam ko rin ang mahapdi sa may braso ko at ng naka adjust na ang mata ko,nilibot ko ang tingin ko pero napakadilim ng paligid ko at tanging ilaw lang na nakatutok saakin ang ilaw dito sa loob,sinubukan kong sumigaw pero ngayon ko lang napansin na nabusalan ako at mahigpit ang nakatali saakin,sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero mas lalong mahapdi sa balat..

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatigil ako sa paggalaw rinig ko rin ang bulungan nila..nakarinig ako ng yabag ng paa sa kahoy na floor na tumutunog pa bawat apak niya. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat yapak niya na papalapit saakin hanggang sa naaninag ko ang mukha niya na nagpakulo sa dugo ko kasabay nun ang matinding kaba dahil di ko alam kung anong pwede niyang gawin saakin,nagbabadya ring pumatak ang luha ko dahil naalala ko nanaman ang lahat ng iyon..

"Hello,princess", sabi ng lalaki na nakangisi na para bang walang bukas..

Sinubukan kong sumigaw pero wala rin lang magagawa ng umpisa rin pumatak ang luha ko..

"Shhh,princess,huwag kang umiyak", sabi ng lalaki tyaka niya pinunasan ang luha ko at tinanggal niya ang nakabusal saakin kaya huminga ako gamit ang bunganga ko..

"Ang ganda mo na,princess,kamukha mo si Coner", tuloy ng lalaki tsaka niya hinaplos ang pisngi ko kaya iniwas ko ito..

"Aww,palaban ka na,yan ang gusto ko,princess,",dagdag pa ng lalaki..

"S-sino ba kayo?!", tanong ko ..

"Kami ba..?,huwag kang mag-alala malalaman mo rin ba lang araw,", dagdag pa niya,tumigil rin ang pagpatak ng luha ko..

"Panoorin mo muna ito,princess", sabi ng lalaki na nagpakunoot ng noo ko,tumayo muna siya sa gilid ko at parang may hinihintay,pagkaraan ng ilang minuto,may lumabas na projector sa gilid..

Pinanood ko lang ang naiproproject hanggang sa marealiza ko na ako ang batang naglalaro sa parang maliit na hardin,napalitan nanaman ang naka project at yun yung time na pinatay nila si mama..

"Ano bang kailangan niyo?!,di pa ba sapat na pinatay niyo ang mama ko?!!", sigaw ko sa lalaki at nagumpisa nanaman na tumulo ang luha ko .

"Kailangan namin?,wala naman pero malapit na,hmm..maitutulad ka sa isang bulaklak na unti unting namumukadkad,pero mag-iingat ka,princess", sabi niya tsaka siya pumantay sa tenga ko..

"Enemies are just around...", bulong niya tsaka siya naglakad palayo..

"Ahhh,,pakawalan niyo ako dito!!!",sigaw ko,pero bigla akong nakarinig ng parang katana na nilalabas sa lalagyan,kaya napatigil ako at nakita ko ang kislap nito sa may dilim,nagulat ako ng biglang may sumugod saakin,kaya napakilos bigla ang katawan ko nagawa ko iikot ang kinauupuan ko kaya ang napuruhan ay ang tali na nakatali saakin ..hmm..magaling..lumuwag rin ang tali sa paa ko kaya natanggal kaagad..Napansin ko na papasugod nanaman ang lalaki kaya iniwasan ko ito..

Alpha And OmegaWhere stories live. Discover now