PART 1: 10 years ago

290 4 0
                                    

Third POV

"Athena Elyra Lee,tinatanggap mo ba si Daevil Ace Rain King bilang iyong kabiyak sa ginhawa at pighati,sa sakit at kamatayan?",tanong ng pari sa kaharap nitong babae na maluhaluha

"Opo,father",sagot ng babae

"Ikaw,Daevil Ace Rain King tinatanggap mo ba si Athena Elyra Lee bilang iyong kabiyak sa ginhawa at pighati,sa sakit at kamatayan?",tanong ng pari sa lalaki na abot tenga ang ngiti

"Opo,Father",sagot ni Daevil

"Kung ganon mula ngayon kayo'y ganap ng mag-asawa,lalaki maaari mo nang halikan ang iyong asawa",declara ng pari sa dalawa at napuno ng palakpakan ang simbahan

"Mahal na mahal kita,El",sabi ni Daevil kay Athena habang nakadikit ang kanilang noo

Pero ang kanilang kasiyahan ay biglang naputol dahil sa palasong tumama mismo sa noo ng pari.

Napuno ng tilian ang simbahan ngunit tumigil ito pansamantala dahil sa marahas na pagbukas ng pinto at pagpasok ng babaeng taglay ang kakilakilabot na aura.

"Pasensya na kung nahuli ako,iyan nga pala ang aking regalo!",sabi nito ng may ngiti sa mukha

"Amara anong ginagawa mo dito!",tanong ni Thios sa babae

"Oh,kasal diba nila?,mali ba ako ng pinasokan?",sarcastiko na tanong ni Amara

"Amara umalis ka na dito bago ka magsisi!",sigaw ni Athena mula sa altar

"Oh dear kayo dapat ang magsisi,dahil sa kagagawan niyo!!,ngayon hudyat na ito upang mamatay kayong lahat!",sigaw ni Amara at tumawa ito ng walang katapusan

Nagulat muli ang lahat dahil sa pagsabog na nagmula sa itaas ng simbaan

"At ngayon idinedeclara ko itong isang magandang digmaan!!",sigaw muli ni Amara at biglang naglaho

Nagulantang nanaman ang mga tao sa loob ng simbahan dahil sa sunod sunod na pagsabog sa labas

"Dylan,ilikas mo na ang mga tao dito!",utos ni Thios at tumango naman siya

"El,ayos ka lang?",tanong ng nag-aalalang Daevil kay Athena

"Sabi ko na nga ba dapat hindi na lang tao nag-isang dib dib,totoo ang naging pangitain ni Anayla",mangiyak ngiyak na sabi ni Athena

Hinawakan ni Daevil ang magkabilang pisngi ni Athena at pinunasan ang mga umaalpas na kuha gamit ang kanyang hinlalaki "Huwag mong sabihin iyan,Athena,ngayon kung ano man ang nangyayare ngayon haharapin natin ito ng magakasama",sabi ni Daevil na halos pabulong kung sabihin dahil sa kaba

"H-Hindi dapat ito nangyayare ngayon",sabi ni Athena habang nakapikit

"Mahal ko,magiging maayos ang lahat,pangako,",sabi muli ni Daevil at hinalikan niya si Athena sa labi

"Okay",sagot lang ni Athena at dahan dahan siyang inalalayan ni Daevil

"Daevil lumayo na kayo ni Athena dito kami na ang bahala",sabi ni Thios na nag-aalala para sa dalawa

"Hindi,lalaban tayo",matapang na sabi ni Athena habang nakatingin sa malayo

"Ano ng nangyayare sa labas,Irish?",tanong niya sa kaibigan na tila natataranta pa dahil hindi mapakali

"Mabilis nilang sinalakay ang lahat marami na rin ang namatay",sagot ni Irish

"Magkita tayong lahat sa torre,Dylan,ikaw na ang bahala sa mga sundalo mo. Thios at Anayla sa barrier, Johny,Coner,Layla ilikas niyo ang mga tao sa bayan at mga iba pa siguraduhin niyo na walang matitira na kahit anong civilian dito sa Empire. Irish at Yvonne samahan niyo si Athena. Kniel,Rex,Shawn,Logan,Xander samahan niyo ako", sabi ni Daevil na may nabubuong plano sa isipan kaya niya pinaghiwahiwalay ang nga kasama

Alpha And OmegaWhere stories live. Discover now