THIRD POV
Lumipas na ang araw pero hindi pa rin maaalis ang lahat ng nangyare. Nagtutulungan rin ang mga residente ng Crimson Empire upang ayusin ang mga ari-arian na nasira dahil sa digmaan.
"Thios,may sasabihin ako sa'yo",tawag ni Anayla
"Bakit?",tanong ni Thios
"Naalala mo noong digmaan bigla akong nawala?",tanong ni Anayla
"Oo nga pala bakit?",nagtatakang tanong ni Thios
"Habang pabalik ako sa torre biglang nagpakita ang isang babae na sobrang liwanag ng araw at bigla niya na lang ako ipinunta sa isang lugar na sobrang ganda na di mo aakalaing totoo",paliwanag ni Anayla
"Bakit ka niya dinala doon?",tanong muli ni Thios
"Gusto niya na mamuhay tayo sa isip ni Athena na parang panaginip lang ang nangyayare",paliwanag ni Anayla na ikinakunot ng noo ni Thios
"Pero papaano masyadong mahirap,sa loob ng sampung taon,nasa isipan niya tayo?",tanong muli ni Thios
"Tatawagin ko lang daw siya gamit ang isang spell at siya ang magsasagawa",sabi muli ni Anayla
"Pero papaano,iyon",nakakunot noong sabi ni Thios
"Parang normal lang daw ang magiging resulta,para ka lang namumuhay sa realidad",sabi ni Anayla
"Pero bakit?",tanong ni Thios
"Upang hindi mawalan ng tuluyan si Athena, nasa katawan niya pa ang kanyang kaluluwa ngunit ang isipan nito ay nasa mundo ng nila Mathaius at Cristhiana,upang makabalik ng maaayos at naaalala niya pa tayong lahat kailangan rin tayong mabuhay sa kanyang isipan",paliwanag muli ni Anayla
"Oh sige ipapatawag ko na silang lahat",sabi ni Thios
Sa isip ni Anayla masyadong komplikado ang gagawin nila ngunit kakailangan dahil pagkatapos ng sampong taong may di inaasahang mangyayari na gugulantang sa kanilang lahat. Nakita muli ito ni Anayla ngunit bigla na lang naglaho na parang bula ang kakilakilabot na pangyayari bagkus isang kasiyahan at tagumpay ang sasalubong sa kanila.
Nagtipon-tipon na sila sa isang kung saan walang sino man ang makakasira o makakapasok na may maitim na budhi, ito rin ang silid kung saan nila isinilid ang katawan ni Athena. Inilagay nila ang katawan ni Athena sa isang diyamante na kasya ang kanyang katawan,nakatayo ito na parang nagsisilbing ilaw sa silid.
May labing tatlong higaan rin kung saan pupuwesto sila Anayla.
Isinagawa na ni Anayla ang spell hanggang sa biglang umilaw ng napakaliwanag sa kwarto dahil kay Cristhiana. Nawala kaagad ang nakakabulag na ilaw at ipinakita ni Cristhiana ang totoong niyang anyo.
Babaeng may kutis katulad sa gatas,asul na mata na katulad ng dagat,gintong buhak na parang umaalon sa kanyang likoran at labing kasing pula ng rosas,nakakabighani. Sino mang makakita sa kanya ay tiyak na matutulala.
Yumuko sila Anayla biglang respeto "Natutuwa akong makita kayo,lalo kana Daevil,alisin mo ang lungkot sa iyong puso sapagkat makikita mo ang muli ang iyong asawa. Dylan ang ama ni Alexeious,kay sigla ng iyong anak,lagi ka rin niya hinahanap",sabi ng Diyosa na nakangiti ng lubos
"Mahiga na kayo,huwag kayong mag-alala dahil sa isipan ni Athena pawa na rin kayong nasa realidad,sana'y mag-iingat kayo",pagpapaalam ng Diyosa at agad na pinatulog ang labing tatlo at inilagay niya sila sa isipin ni Athena.
Pinabantayan ni Cristhiana ang silid sa isang napakalaking dragon na si Aclognia laban sa mga nagngangahas na pumasok.
Bumalik kaagad si Cristhiana sa kanilang lugar upang ibalita ang nangyare.
"Mathaius,nagawa ko na ang gusto mong mangyare",sabi ni Cristhiana
"Naging maaayos po ba ang lahat?",tanong ni Athena
"Oo naman,wala namang alitan ang dalawang nagmamahal sa iyo",panunukso ni Cristhiana
"Cristhiana naman",sabi lang ni Athena
"Haha,nasaan si Alexeious?",tanong ni Mathaius
"Nasa lola niya,bakit?",tanong ni Athena
"Tanong lang",sabi ni Mathaius
Lingid sa kaalaman ni Athena ang ginawa ni Cristhiana "Pagkatapos ba ng sampung taon makakasama ko ang anak ko?",tanong ni Athena sa dalawa kaya nagkatinginan sila
"Sa totoo,hindi mo maaaring dalhin si Alexeious sa ibaba dahil magiging interest nanaman siya ng mga ibang Famillia,at magkakaroon nanaman ng digmaan,pwede namin siguro siyang dalhin doon kapag nagmature na ang isipan niya",paliwanag ni Mathaius
"Athena anak.. Pakalmahin mo nga si Alexeious, iyak ng iyak ehh",sabi ni Layla habang hawak hawak ang sanggol
"Akin na, ma",sabi ni Athena at agad na binuhat ang isang buwang sanggol na sin Alexeious
"Siya nga pala, Athena, kapag nagkita kayo ng ama sabihin mo,huwag siyang mambabae,kundi sisipain ko siya!",pagbibiro ni Layla
"Ma..haha..hindi naman iyon gagawin ni papa ehh",sabi ni Athena na natatawa
"Hay,pagbalik mo magiging maayos rin ang lahat,lalo na sa inyong dalawa ni Daevil",sabi ni Layla habang nilalaro ang kamay ni Alexeious
"Sana nga,ma",sabi ni Athena habang pinagmamasdan ang tulog nitong anak
"Mathaius, may hihilingin lang sana ako",sabi ni Athena
"Huwag niyo sana munang ibigay ng buo ang inyong kapangyarihan kay Alexeious hangga't maari",sabi ni Athena
"Kapag nasa tamang edad na siya ako mismo ang magsasabi sa kanya",sabi ni Athena habang hinahaplos ang anak
"Sige kung iyan ang kagustuhan niyo sa ngayon magpahinga na muna kayo",sagot naman ni Mathaius
Sampung taon na natili sila Athena sa lugar na walang sino mang ordinaryong nilalang ang pwedeng pumasok.
Sanpung taon rin na nabubuhay sa panaginip si Athena at ang iba ngunit ito'y magwawakas rin sa buwan,araw at taon kung kailan nagsimula ang digmaan sa lugar na iyon.
†‡†‡†
YOU ARE READING
Alpha And Omega
FantasyBeginning and the end. TAGALOG STORY †ALPHA AND OMEGA† ORIGINAL: Once upon a time an Angel and a Demon fell inlove... REVISED: And in the end the Angel accepted that he has the true demon inside him,he gave up his love because he new that they are...