Unknown

316 7 0
                                    

ATHENA POV

"Ughhh!!! Kniel!!",sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya tsaka ko ito kinatok ng malakas.

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung ano ang isusuot ko mamayang gabi.

"Kniel!",sigaw ko muli.

Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto kaya medyo umatras ako. Pagbukas ng pinto inaantok na Kniel ang bumugad saakin.

"Hmm..ano ba iyon?",inaantok na tanong ni Kniel

Tinulak ko ang pinto na sinasandalan ng kamay niya kaya medyo na outbalance siya kaya hinila ko siya sa sando niya

"Athena bakit ba?",inaatok nitong sabi tsaka umakbay saakin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Naamoy ko naman ang mabango niyang pabango kahit kagigising niya.

Kaya hinila ko siya sa banyo niya para maligo.

"Maligo ka na nga lang!",bulyaw ko sa kanya at tinulak siya sa banyo.

Pagkalipas ng ilang minuto narinig ko ang pagbukas ng shower. Makatingin nga ng isusuot niya. Pagkabukas ko ng cabinet niya. Puro puti at itim lang ang kulay ng damit niya..tsss.. Kinuha ko ang white long sleeve polo niya tsaka ako pumili ng pantalon niya syempre puro butas ang pantalon niya pinili ko yung hindi maluluwang ang tatter. At ang huli syempre kukuha ako ng brief niya haha lol,pinili ko na lang yung una kong nakita at bigla akong nacurious kung anong size ng beywang niya kaya inunfold ko ito...size 19.tss parang babae ang liit ng beywang.

"Ehem!"

Nagulat ako sa pay clear ng throat ni Kniel kaya bigla akong napatayo at sa pagtayo ko sobrang lapit ng mukha namin,maling galaw ko mahahalikan ko na siya.

"Are you done?",tanong nito at naamoy ko ang mabango niyang hininga.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay niya at binitiwan ang brief niya..shaks...nakakahiya.

Napatingin ako sa katawan nya na medyo basa pa kaya feeling ko tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"Wanna watch me to remove my towel?",tanong nito tyaka hinawakan ang nakafold na parte ng twalya sa beywang niya para matanggal ito kaya napatakip ako ng mata..

"Lalabas na ako para maligo na rin!",sigaw ko tsaka nagmadaling lumabas ng kwarto niya

Napasandal muna ako sa pintuan niya at napahawak ako sa mukha ko na sobrang init..damn..that was close.

Dumeretso na ako ng kwarto ko para maligo at magbihis.

YVONNE POV

"Nagtext saakin si Lucy nasa gate na daw sila",sabi ko sa kanila Irish na nag-aayos ng sarili

"Who's with her?",tanong ni Shawn na kanina pa parang may tinatawagan.

"Uhm,si Grey",sagot ko at bigla namang napangiwi ito

Bigla kaming nagtinginan nila Irish at napangisi ng bahagya.

"Tara na",malakas na sabi ni Shawn at naunang lumabas

Alpha And OmegaWhere stories live. Discover now