ATHENA POV
"Ughh..",nagising ako dahil sa init ng temperatura dito sa kinaroroonan ko na mas lalong nagpapahapdi sa sugat ko
Nakarinig ako ng mga boses kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang anino niya muli
"Oh my dear,your awake",sabi nito habang nilalaro ang buhok ko
"Eh ano naman",sabi ko kaya napatigil siya
"Tinuruan ka ba ni Layla ng tamang asal?",tanong nito na naniningkit ang mata
"Kung tutuusin,isa siyang ahas,at ang bunga niya'y di kaaya-aya",sabi nito
"Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang ina ko!",sigaw ko sa kanya kaya napatawa siya
"Hmm...",saad nito na sinusuri ako
"Madamé,handa na po ang gagamitin",sabi ng isang lalaki
"Sige kalagan siya at ipunta sa silid",utos ng babae sa kanyang mga alepores
Lumapit saakin ang dalawang lalaki at marahas na tinananggal ang tale sa kamay ko na halos kumapit sa balat ko dahil sa matagal kong pagkakatali, 2 arae na akong walang tubig at pagkain,nanghihina na ako. Bumagsak ako sa malamig na sahig mula sa pagkakagapos "Tayo!",sabi ng isa at hinila nila ako mula doon
"Ano bang kailangan mo!!",sigaw ko sa babae habang itinatali ako ng dalawang lalake sa parang altar
"Simple lang,ang iyong dugo at kaluluwa",sabi niya kaya hindi ako nakapagsalita
"Kabilang lang ako sa Royal Famillia pero walang special sa dugo ko at kaluluwa!",sagot ko sa kanya ngunit may ginuguhit lang siya sa paligid ng kinahihigaan ko at hindi na sumagot
"Kawawa ka naman,Athena,lahat ng mahal mo nililihim sa'yo kung sino ka talaga",sabi nito kaya natahimik ako at unti unting umalpas ang luha ko.
Pakiusap tulungan niyo ako..
DYLAN POV
"Standby",sabi ko sa kanila Xander gamit ang walkie talkie
Nakarating na kami dito sa abandonadong simbahan at parang walang katao katao pero amoy na amoy ang sulfur na nasusunog.
Kanya kanya na kaming puwesto at ako ang unang pumasok. Ayoko ng tahimik na pagpasok kaya agad kong pinasabog ang pinto sa harapan at agad na sumalubong ang naglalakihang nga tao. Agad ko silang pinatumba ngunit nagulat ako ng may tumalon mula sa itaas ko. Babarilin ko na sana ito pero naubos ang ammo ko. Buti na lang agad na pumasok si Shawn at binaril ito.
"Slow",sabi nito at nilampasan lang ako
Pumasok na rin sila Irish,Yvonne,Rex,Kniel, "Masyado atang tahimik dito",sabi ni Irish habang tinitignan ang paligid
"Hey..bilisan niyo",tawag ni Shawn mula sa may hallway
"Sundan niyo si Shawn Irish,Yvonne at Kniel",sabi ko sa kanila at tumango naman sila
"Rex,sumama ka saakin",sabi ko at nagtuloy na kami sa paghahanap
Pinasok lahat namin ng kwarto pero walang katao tao"Dylan,sigurado ka ba na tama ang lugar na ito?,tanong ni Rex
"Yeahh,kaninang umaga lang may files na sinend saakin",sabi ko habang naglalakad ng dahan dahan
"Parang may mali,sino ba ang hinahanap natin?",tanong ni Rex kaya napahinto ako upang buksan ang isang pinto
YOU ARE READING
Alpha And Omega
FantasyBeginning and the end. TAGALOG STORY †ALPHA AND OMEGA† ORIGINAL: Once upon a time an Angel and a Demon fell inlove... REVISED: And in the end the Angel accepted that he has the true demon inside him,he gave up his love because he new that they are...