A/N: Hi, guys! Subscribe naman kayo sa YouTube channel ko. Type n'yo lang Duchess Marissa. Nilagay ko 'yong link ng kalimba cover video ko sa taas, click n'yo na lang din 'yon. Thank you! ^_^ ♥
"TALAGA? ANG may-ari mismo ng MMC ang lumapit sa 'yo?"
"Nakaka-shock, 'di ba? You have no idea kung gaano ako nabigla that time. Biruin mo, ang may-ari ng pinakasikat na music channel dito sa Pilipinas ang lumapit sa akin at sinabing gusto niya akong kuning VJ. Matagal na raw niya akong gustong makausap kung hindi lamang sa busy schedule niya. Isang karangalan iyon para sa akin," tugon ni Kate sa hindi makapaniwalang si Morisette. High school pa lamang sila ay matalik na silang magkaibigan nito. Hindi nawala ang tibay ng pagkakaibigan nila kahit magkaibang kurso ang kinuha nila noong college. Pinalipat din kasi ito ng parents nito sa Manila para mag-aral. Isa na itong certified public accountant at may regular na trabaho sa isang malaking accounting firm. They were at Robinson's. Nagkayayaan silang mag-stroll sapagkat Sabado. Off kasi nito at para makapag-relax siya. "Hindi ko pa ito nasasabi kila Mama at Papa. Saka ko na sasabihin sa kanila kapag ganap na akong VJ ng MMC. I want to surprise them."
"Naku, girl, congrats! I'm so proud of you. Sa wakas, matutupad na ang dream mo. Ako ang magiging number one fan mo. I'm sure 'yong mga fans mo sa Internet world ay matutuwa rin. Big-time ka na. Big-time na ang makakasalamuha mo!"
"Thanks, Mors. Malaki nga ang naitulong sa akin ng social networking sites dahil do'n niya ako nakilala. Pero bago ako maging official VJ ng MMC, kailangan ko munang magawa ang challenge ni Sir Douglas sa akin."
"Oh, may catch pa? I thought mag-i-start ka na. Excited na akong makita ka sa TV," anito, sabay higop sa fruit shake nito.
"Pabor 'yon sa akin. Gusto ko rin namang paghirapang makuha ang posisyong iyon kaya pumayag ako. Besides, I don't want to miss this chance."
"Kunsabagay, tama ka. Masarap nga naman sa pakiramdam iyong pangarap na pinaghirapan mong maabot. So, ano 'yong challenge niya sa 'yo?"
Sumimangot siya. "Kailangan kong interview-hin ang The Jacks. Binigyan niya ako ng one month para magawa 'yon. Pagkatapos ipo-post ko sa social networking sites ko." Alam niya kung bakit isang buwan ang ibinigay na palugit ni Sir Douglas. Sikat na sikat ang The Jacks at siguradong mahihirapan siyang ma-reach out ang banda. Plus, kung ang manager ng mga ito ay estrikto at hindi basta-basta nagpapaunlak ng interview. Mahihirapan talaga siya.
Natawa si Morisette. "The Jacks? Oh, my, this is interesting. Parang kailan lang nagpe-perform sila noon sa university natin, ngayon sikat na sikat na sila. At alam ko kung bakit nakasimangot 'yang mukha mo, Katelyn. It's because of Chris Drew, right? Makakaharap mo uli siya, as in face to face."
Lalong nalukot ang mukha niya sa nakitang pagkaaliw sa mukha ng kaibigan. "Yeah. Muli na namang magkukrus ang mga landas namin n'on."
"What do you expect? You work in the same circle. Ikaw, future VJ, 'tapos siya, lead vocalist ng banda. It's been three years. Asar na asar ka pa rin sa kanya? Bagay nga kayo, eh. Uuy!" tudyo nito.
"Itigil mo nga ang panunukso sa akin sa kumag na 'yon! Tatlong taon nga ang lumipas, tinutukso mo pa rin ako sa kanya. Well, aminado naman akong maganda talaga ang boses niya. Pero iyon lang ang magugustuhan ko sa kanya, 'no."
Humagikgik ito. "Eh, sabi ko nga bagay kayo, 'di ba? Si Chris Drew ang dahilan kung bakit challenging para sa 'yo ang challenge na 'to, ah."
"Sinabi mo pa."
"Speaking of magugustuhan, how about 'yong secret admirer mo no'ng college? 'Yong nagpapadala sa 'yo ng love letter pero never nagpakilala sa 'yo hanggang sa maka-graduate ka."
BINABASA MO ANG
LOVING CHRIS DREW ✔
RomanceKate's ultimate dream is to become a VJ in My Music Channel or MMC, ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas. At nang mabigyan ng pagkakataon ay sinunggaban na niya. Pero may isang malaking catch. Kailangan niya munang interview...