Chapter Eleven - Final Chapter

6.3K 264 39
                                    

NAGPASALAMAT si Kate kay Miss Cheska pagkatapos siya nitong ayusan. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Hindi halata ang eye bags niya dulot ng gabi-gabing pag-iyak sa inilagay nitong concealer. Bago siya nagtungo sa studio ay huminga siya nang malalim at nag-practice ngumiti. Kailangang magpakatatag siya. Hindi dapat maapektuhan ang trabaho niya sa pinagdadaanan niya.

Guest niya sa kanyang show ang Polaris. Kilala niya ang banda. Na-interview niya ang mga ito noon. Ngayon ay nakamit na ng mga ito ang inaasam na big break. She knew that they were now working for their debut album and they were going to promote it.

She sat on her pink chair and faced the camera. Sa tabi niya ay may isang maliit na mesa at nakapatong doon ang fish bowl. Naglalaman iyon ng mga requested questions ng mga fans ng Polaris na babasahin niya mamaya. Nang mag-thumbs up si Gretel ay nagsalita na siya.

Kumaway siya. "Hello, this is VJ Kate and you're now watching Kate's Haven here in My Music Channel, the number one music channel in the Philippines!" She winked smiling. "Are you familiar to these lyrics? 'Your eyes are my light. Your heart is my heart. You are the oxygen of my lungs...'" madamdaming pagkanta niya na ikinatawa ng mga nasa audience. May ibang tumili pa. "How about this? 'Oh, baby, I can't live without you..." muling pagkanta niya. She chuckled. "Please welcome... Polaris!"

Nagulat siya nang biglang namatay ang lahat ng ilaw. Black out? Napalingon siya sa malaking screen sa likuran niya nang bigla iyong lumiwanag. Nag-umpisang pumailanlang ang isang kanta kasabay ng pag-play ng isang video.

Natutop niya ang bibig. She knew that song! Iyon ang kantang ipinarinig ni Chris Drew sa kanya noong nag-picnic sila sa garden ng bahay nito. Nagsimulang pumatak ang kanyang luha habang pinapanood ang mga pictures nila ng binata noong namasyal sila sa Manila Ocean Park. Isa-isang nanumbalik sa isipan niya ang masasayang alaala kasama ito.

"Waiting, waiting for you. Expressing my love to you with love letters and the bottle, love letters and the bottle..."

The lights came back. Kumabog ang puso niya sa paglitaw ng lalaking pinangungulilaan at pinananabikan niya sa bawat paglipas ng araw.

May hawak-hawak itong bote at may laman iyong nakarolyong papel sa loob habang kinakanta nito ang chorus. Nagtama ang kanilang mga mata. Napakaguwapo at maaliwalas ang hitsura nito.

"Waiting, waiting for you. Please tell me you love me, too. With love letters and the bottle, love letters and the bottle. Oh, for you..."

"Chris Drew..." she sobbed. Hindi niya napigil ang sarili. Sinalubong niya ito ng yakap bago pa lamang ito makalapit sa kanya. Ayaw na niyang linlangin ang sarili. Kalilimutan na niya ang kasunduan nila ni Mrs. Barbara. "Patawarin mo ako, Chris Drew. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Hindi totoong ginamit lang kita para sumikat. Hindi ko pala kayang wala ka sa buhay ko. Ikaw lagi ang nasa isip ko. Mahal na mahal kita." Humikbi siya.

"Oh, Bunny ko... Na-miss kita." Ginantihan siya nito nang nananabik at mahigpit ding yakap. Hinaplos nito ang kanyng buhok. Hinalikan siya nito sa noo. Humarap ito sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luhang walang tigil sa pag-alpas. His eyes were filled with love, longing, and relief as he looked at her. "I believe you. Alam ko na ang totoo. Kinausap ka ni Mom para hiwalayan ako. Hindi totoong nag-away kami ng mga kaibigan ko dahil wala akong balak tanggapin ang offer ng Hawthorne Records."

"H-hindi kayo nag-away? P-pero iyon kasi ang sinabi ng mommy mo sa akin. 'Tapos, nakita ko pa si Alex na akmang susuntukin ka noong nagpunta ako sa recording studio kaya naisip ko talagang may alitan kayo. Natakot ako. Ayokong masira hindi lang ang career n'yo pati ang pagkakaibigan n'yo nang dahil sa akin kaya sinunod ko ang mommy mo."

"Kate, it's our band's decision to decline the offer. May kanya-kanya kaming dahilan. Totoong ikaw ang dahilan ko. Masisisi mo ba ako, eh, masaya na ako sa piling mo? At tungkol sa akmang susuntukin ako ni Alex," Natawa ito. "Tinuturuan lang namin si Flynn ng self-defense kung sakaling gawan siya nang masama ng magnanakaw sa labas. Palagi kasi siyang nananakawan ng mahahalagang gamit, eh."

LOVING CHRIS DREW ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon