TAHIMIK na nakatayo si Kate habang dinadala siya ng escalator sa second floor ng mall. Gusto niyang libangin ang sarili. She disguised herself so no one would notice her and slaughter her to speak. She wore black sunglasses and long brown wig with bangs. Gusto niyang tumawa at magpakasaya. Gusto niyang kalimutan si Chris Drew. Kalat na kalat na ang balitang naghiwalay na sila ng binata. Nirespeto naman siya ng kanyang mga magulang at mga kasamahan niya sa trabaho kung ayaw pa niyang magsalita sa totoong nangyari. Wala siyang pakialam kung dumami ang haters niya.
Pag-akyat niya ay nagmamadaling humakbang siya. May nabangga tuloy siya. "Sorry." hinging-paumanhin niya.
"It's okay, Miss."
Nag-angat siya ng tingin. Kilala niya ang tinig na iyon. "Keith."
Kumunot ang noo nito. "How'd you know my name? Do I know you?"
Hinila niya ito at nagsimula silang lumakad nang sabay. "This is me, Kate." she whispered.
"Kate." ganting-bulong nito. Nakauunawang tumango ito. "'Nice to see you today. How are—" he paused. "Ahm, I like your wig."
She smiled thinly. "Thanks. Busy ka ba?"
"Not right now. Actually, pauwi na ako. May binili lang ako kaya ako dumaan dito."
"Ahm, puwede mo ba akong samahang manood ng sine?"
"Sure."
Pagkatapos bumili ng ticket ay pumasok na sila sa sinehan. Siya ang pumili na comedy ang panoorin. Tawa nang tawa si Keith at ang lahat ng taong naroroon samantalang siya ay nakatulala sa malaking screen. Hindi iyon naa-absorb ng utak niya. Keith must have sense it because he stopped laughing. Ayaw niyang mahalata siya nito. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya so she faked a laughter. Nang matapos ang pelikula ay niyaya niya itong kumain.
"Nakakatawa talaga 'yong pinanood natin, 'no?" ani Kate. "Binabato no'ng bida 'yong kaaway niya ng ahas. Takot na takot 'yong kaaway niya. Hindi nito alam laruang aha slang 'yon." Tumawa siya.
But Keith just stared at her, no respond.
"What?"
"Mga bulate 'yong ibinabato ng bida sa kaaway niya. Hindi laruang ahas."
She blinked. "O-oh. Right."
Bumuntong-hininga ito. "Kate, hindi mo kailangang magpanggap na okay ka. Mahirap tumawa kahit alam mong nasasaktan ka. Kanina pa kita napapansin."
Nag-iwas siya ng tingin. "Pero minsan kailangang dayain ang sarili para sumaya."
"Kate, I'm your friend. I care for you. In fact, may gusto ako sa 'yo. Liligawan sana kita kaso naunahan ako ni Chris Drew. Binabakuran ka niya sa akin."
Nagulat siya. "Ano?"
Bahagyang ngumiti ito. "You love him. Kaya wala na akong laban. Wala akong karapatang husgahan ka dahil kayo lang dalawa ang nakakaalam ng totoong nangyari. Kung ano man ang dahilan ng paghihiwalay n'yo, nandito lang ako para damayan ka. Iiyak mo 'yan. Sasamahan kita."
Sukat sa sinabi nito ay nanubig ang kanyang mga mata. Napahigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang blouse. Kahit ano pala ang gawin niyang pagpapanggap ay hindi niya magagawa. Hindi niya kayang kalimutan si Chris Drew sapagkat mahal pa rin niya ito. Ito ang unang lalaking inibig niya. Hindi niya kayang tumawa at magpakasaya dahil ang totoong nagpapasaya sa kanya ay wala na sa kanya.
Tumabi si Keith sa kanya. Pang-apatan kasi ang inupuan nilang table kaya may dalawang upuang bakante. Niyakap siya nito at isinandal sa dibdib nito. And then she cried silently.
BINABASA MO ANG
LOVING CHRIS DREW ✔
RomanceKate's ultimate dream is to become a VJ in My Music Channel or MMC, ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas. At nang mabigyan ng pagkakataon ay sinunggaban na niya. Pero may isang malaking catch. Kailangan niya munang interview...