SA RECORDING studio ng The Jacks gagawin ni Kate ang interview. Maaga siya ng isang oras sa napag-usapan nila ni Flynn—na hindi nagpapatawag ng "Sir"—para ma-double check niya ang mga gagamitin at makasigurong walang aberyang mangyayari.
Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Oo nga at marami na siyang na-interview at karamihan sa mga iyon ay banda at kahit sabihing kakilala niya ang The Jacks, hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Siyempre, big-time band ang makakaharap at makakausap niya. Marami na ang nagbago sa nakalipas na tatlong taon. Subalit sa kabila ng kabang nadarama, may bahagi sa kanyang puso ang nae-excite sa muli nilang pagkikita. Proud siya sa narating ng mga ito.
Bigla siyang napatili sa gulat nang may humawak sa kanyang braso. Nanginig siya sa koryenteng dumaloy sa buong katawan niya, sanhi upang mabitawan niya ang hawak-hawak na notebook kung saan nakasulat ang mga itatanong niya sa The Jacks. Nilingon niya ang salarin. Tila napaigtad ang puso niya. Ang akala niya ay napaghandaan na niya iyon, hindi pala. Chris Drew!
"Kate! Ikaw pala ang mag-i-interview sa amin?" nakangising tanong nito.
Bahagyang umawang ang bibig niya. Hayun na naman ang hindi pangkaraniwang pagbilis ng tibok ng puso niya. Para siyang nabatubalani na ewan. Alam niyang guwapo si Chris Drew, at noon pa man ay marami nang babae at bading ang nahuhumaling dito. Pero mas gumuwapo pala ito ngayon, lalo na sa malapitan. Checkered shirt ang suot nito na pinatungan nito ng makintab na hooded jacket. Tight-fitting artsy denim pants na may tastas sa tapat ng tuhod niyon ang pang-ibaba nito. His hair was stylishly tousled like Julian Casablancas' of The Strokes. It was pure black and it looked soft. Tila kay-sarap haplus-haplusin at damhin ang buhok nito sa mga daliri niya. Matangakad ito. Sa tingin niya ay naglalaro sa six feet ang height nito. Dahil may-kaliitan siya ay hanggang dibdib lang siya nito. Pumuti ang balat nito. May suot itong black vinyl wristband sa kaliwang kamay nito. No piercings. Marami na siyang na-encounter na ganoon ang ayos subalit kompara sa porma ni Chris Drew, mas dalang-dala nito iyon. Parang ang bango-bango pa nito. Higit na nakatawag ng kanyang pansin ang mapupulang labi nito at mahahabang pilik nito. Noon lang niya napansin na maganda pala ang pilik nito, bumagay iyon sa kulay-tsokolateng mga mata nito na kahanga-hanga rin. His eyes were dashing and smiling. Nagniningning pa nga ang mga iyon habang nakatingin sa kanya. Kahit sino ay maiinggit. Isa na siya roon. He was so hot.
"Are you done assessing how handsome and hot I am? What's my score, darling? Perfect ten? Natulala ka na kasi riyan. 'Sabagay, hindi kita masisisi. Nakakatulala naman kasi talaga ang kaguwapuhan ko." mayabang na tudyo nito.
Nag-init ang pisngi niya. My God! Someone tell me I didn't stare at him. That I didn't call him hot! "H-hindi, 'no! Nagulat kasi ako. Ba't ka ba kasi nanggugulat?" naiinis na sabi niya. Naiinis siya dahil totoong natulala nga siya rito. Pero nunca na aaminin niya iyon dito. Madadagdagan lang ang nag-uumapaw na confidence nito sa sarili.
"Nagulat din ako, eh. Ikaw pala si Miss Madrigal na sinabi sa amin ni Flynn. Ang akala ko kasi, kaapelyido mo lang kaya hindi ko naisip na ikaw 'yon. Hindi na ako nagtanong." paliwanag nito. Dumako ang tingin nito sa nagasgasang braso niya. "Ano'ng nangyari diyan? Saan mo nakuha ang gasgas na 'yan, Kate?" concerned na tanong nito.
Oh, don't act as if you care! ngalingaling isatinig niya iyon. Hindi kasi niya talaga kayang paniwalaan na nag-aalala ito sa kanya. Madalas kasi siya nitong pag-trip-an noon. One time ay nilagyan nito ng bulate ang locker niya. Takot na takot pa naman siya sa bulate kaya tumili siya nang tumili. Pinagtawanan naman siya nito sa isang sulok. Banas na banas siya noon dito.
Pilit niyang binabawi ang braso dito ngunit hindi siya nito binitawan. "Wala lang 'to." Wala siyang balak sabihin dito kung saan niya natamo ang gasgas niya.
BINABASA MO ANG
LOVING CHRIS DREW ✔
Любовные романыKate's ultimate dream is to become a VJ in My Music Channel or MMC, ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas. At nang mabigyan ng pagkakataon ay sinunggaban na niya. Pero may isang malaking catch. Kailangan niya munang interview...