"ANO, BUGS? Okay na?"
"Yes, Bunny ko. Puwede mo na siyang hatulan?"
Natawa si Kate sa nag-aalalang mukha ni Chris Drew. She knew he just wanted to impress her. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.
Tinabihan niya ito sa kitchen table at pinagmasdan ang obra nito. Nagpaturo kasi itong mag-bake ng chocolate cake sa kanya. Ngunit makailang beses itong umulit. Kung hindi man matabang, sobrang tamis naman. Para itong batang napu-frustrate pero hindi naman ito sumusuko. Desidido talaga itong matuto. Naaaliw siya rito. "Wow! Na-perfect mo na ang shape. At mukhang masarap, Bugs. I'm craving."
"Don't judge the cake by its delicious shape. Tikman mo muna, Bunny ko." Ipinag-slice siya nito ng cake at inilagay sa platito.
Tumalima siya at tinikman iyon. "Mmm! Ang sarap, Bugs! You made it. Nakuha mo na ang tamang timpla." Sumubo uli siya.
"Talaga? Baka sinasabi mo lang 'yan para hindi ako ma-disappoint at dahil love mo 'ko." nakalabing wika nito.
Tumawa siya. "Masyado mo namang minamaliit ang sarili mo. Hindi kaya. Masarap talaga. Hindi mo ba tinikman?"
Nagkibit-balikat ito.
"Ikaw talaga. Tikman mo para maniwala kang hindi ako nagbibiro." Iniumang niya ang tinidor na may piraso ng cake. Sinubuan niya ito. Nagliwanag ang mukha nito. "See?"
Naginhawaang ngumiti ito. "Hallelujah!"
Tumawa uli siya. Pinagsaluhan nila ang gawa ko.
Habang kumakain sila ay pinagmasdan ni Kate si Chris Drew. Three weeks ago ay opisyal na inamin nila sa mga tao ang kanilang relasyon. Marami ang natuwa—unang-una roon ang kanyang mga magulang at mga kaibigan. Marami ring hindi natuwa dahil hindi raw sila bagay. Hindi raw siya nababagay kay Chris Drew. Subalit hindi siya magpapaapekto sa mga haters at bashers na iyon. Ang mahalaga ay nagmamahalan sila at masaya sila sa kanilang relasyon. Lalo na at hindi nahihiya ang kasintahan niya sa pagpapakita ng pagmamahal nito sa kanya sa maraming tao. Katulad noong nag-concert ang The Jacks sa Araneta Coliseum five days ago. Nakaupo siya sa VIP seat. Nang kantahin ng banda ang last song para sa concert ay hinila siya ni Chris Drew paakyat sa stage at kinantahan habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng isang tangkay ng pulang rosas at pakudlit na hinalikan siya sa mga labi. Grabe ang hiyawan ng mga tao. Subalit hindi niya pansin iyon sapagkat ang atensiyon niya ay nasa nobyo lang. Halos mapunit ang mukha niya sa laki ng pagkakangiti niya. Halos himatayin siya sa sobrang kilig. Dahil doon ay nag-trending sila sa Twitter.
Napatingin si Chris Drew sa kanya. "And why are you staring at me like that?" He grabbed her by the waist and rubbed her nose by his nose. He loved doing that to her. Palagi din itong nagko-compose ng mga kanta na inaalay nito para sa kanya. Araw-araw ay hinaharana siya nito para lalo raw siyang ma-in love dito. Napaka-sweet nito. Ganoon siya nito binubusog ng pagmamahal. Sinimulan siya nitong pupugin ng halik sa mukha at leeg.
Humagikgik siya. "Bugs, nakikiliti ako!" Tumigil ito pero mas hinapit pa siya nito. Nanggigigil na pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. "Ang cute-cute mo lang kasi kaya kita tinititigan. I love you."
Ngumiti ito. "Pakiulit nga."
"I love you. I love you. I love you."
"Mas masarap pa 'yan—no, pinakamasarap kaysa sa kahit anong flavor ng cake." He planted lightweight kiss on her lips and whispered, "I love you more."
HINDI makapaniwala si Chris Drew. Ang Hawthorne Records—isang malaking recording company sa Amerika—ay may record deal para sa kanilang banda. At hindi lang basta-basta record deal, worldwide pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/126705223-288-k25814.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVING CHRIS DREW ✔
RomanceKate's ultimate dream is to become a VJ in My Music Channel or MMC, ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas. At nang mabigyan ng pagkakataon ay sinunggaban na niya. Pero may isang malaking catch. Kailangan niya munang interview...