"AND THE number one song is... Love Therapy by The Jacks!" magiliw na pagre-reveal ni Kate sa number one song sa MMC Top Ten. "Tune in for more of your favorite hits here on My Music Channel, the number one music channel in the Philippines. This is VJ Kate, signing off. Cheerio!"
Pinalakpakan siya ni Gretel Olive, ang kanilang mabait ng direktor. "That's a wrap, Kate! Good job."
Nginitian niya ito. "Thanks."
Umupo siya sa upuan at uminom ng frapuccino niya. Pinanood niya mula sa maliit na screen ang music video ng Love Therapy. Nanguna na naman ang kantang iyon. Hindi kataka-taka dahil maganda ang kanta. The song got a lot of votes from the Internet and texts. Marami ring nagda-download niyon para gawing ringtone.
Tuwing ipe-play ang music video ng LT ay sumasagi sa isipan niya si Chris Drew. It had been a week since they last spoke to each other. Sa celebration party niya ang huling pag-uusap nila. Ni hindi ito nagpaparamdam sa kanya nang makabalik sila sa Manila. Napasimangot siya at napabuntong-hininga. Nakaka-miss din pala ang kumag na 'yon. Sinisisi niya ito kung bakit niya nararamdaman iyon. Pagkatapos nitong magpakita ng ka-sweet-an, kalambingan, at ang pagpupukaw ng kakaibang damdamin nito sa kanya ay palagi nang nangungulila ang puso niya sa presensiya nito.
Pagsapit ng lunch ay sabay-sabay silang naglakad papunta sa Emerald's Dining, ang restaurant na katapat lang ng MMC building. Doon sila palaging kumakain. Nagkukuwentuhan sila while on their way. Kabiruan niya si VJ Hinata, isang half-Filipino half-Japanese. Isang taon lang ang tanda nito sa kanya. Mabilis niya itong nakagaanan ng loob. Halos lahat naman ng VJ doon ay kasundo niya. Si Hinata rin ang unang um-approach sa kanya noong ipinakilala siya ni Sir Douglas sa mga ito. Big fan ito ng The Jacks. Crush na crush daw nito si Alex. Kaya nang malaman nitong kakilala niya ang The Jacks ay ipakilala raw niya ito kay Alex kapag nagkita sila ng huli.
Natigil sila sa pagkukuwentuhan nang may tumawag sa kanya. Si Keith iyon. He was wearing a business suit. Nakilala niya ito nang tulungan siya nitong ayusin ang kotse niya nang masiraan iyon ng gulong sa daan kahapon.
"Oh, boy," usal ni Kate. Umibis siya ng kotse niya at lumuhod. Na-flat-an iyon ng gulong sa likod. "Bakit ngayon ka pa nasiraan, Busty? Kung kailan pauwi na ako..." Tinapik-tapik niya iyon. Nasanay na siyang kausapin si Busty na tila ba maririnig siya niyon.
Tumingin siya sa wristwatch niya. Mag-a-alas-otso na ng gabi. She wanted to go home and rest. She was tired at work but she had a lot of fun. One week na siyang VJ sa MMC.
Tumayo siya at nag-abang ng mahihingan ng tulong. Hindi pa naman masyadong daanan ng mga sasakyan ang kalsada kung saan siya nasiraan. Nang makakita siya ng paparating na kumikintab na BMW ay agad niyang pinara iyon. Tumigil iyon sa harapan niya. Binuksan ng driver ang bintana. Lalaki iyon.
Kakapalan na niya ang mukha. "Ahm, can you help me, Mister? Na-flat-an kasi ng gulong ang kotse ko, eh."
Tumango ito. "Sure. May spare tire ka ba?"
"Oo."
Bumaba ito ng kotse. Matangkad ito. Simple lamang ang suot nito subalit kapansin-pansin pa rin ang kaguwapuhang taglay nito. Mukhang may sinasabi ito sa buhay dahil na rin sa mamahaling sasakyan nito.
Napakunot-noo siya nang hindi ito kumilos sa kinatatayuan. Tinitigan siya nito. Mayamaya ay nagliwanag ang mukha nito. "Hey, I know you. You're Kate of My Music Channel, right? The new VJ?"
Napangiti siya. "Ako nga."
"That's why you looked familiar to me!" he snapped. "Wow! Ang suwerte ko naman tonight. I adore all the VJs of MMC and I really love music. Actually, na-meet ko na silang lahat. Ang ganda mo pala sa personal, VJ Kate. You instantly became my favorite."
![](https://img.wattpad.com/cover/126705223-288-k25814.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVING CHRIS DREW ✔
RomanceKate's ultimate dream is to become a VJ in My Music Channel or MMC, ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas. At nang mabigyan ng pagkakataon ay sinunggaban na niya. Pero may isang malaking catch. Kailangan niya munang interview...