Chapter One

7.9K 210 4
                                    

"AND THIS is Kate Madrigal, your music flunky. Cheerios!"

Feel na feel ni Kate ang pagsasabi niya ng closing remarks niya with matching her usual big smile in front of her camera. Katatapos lang niyang interview-hin ang bandang Polaris. Nagustuhan niya ang original composition na inawit ng mga ito kanina. Pop ang genre ng banda.

Isa ang Polaris sa mga striving band na nangangarap magkaroon ng big break sa music industry. Natutuwa at nagpapasalamat siya na pinaunlakan siya ng banda pagkatapos tumugtog ang mga ito. Gustong-gusto pa nga ng mga ito ang ma-interview. Magiliw na sinagot ng mga ito ang mga tanong niya. Batid niyang may benefit ding makukuha roon ang banda. Parang promotion dahil sa pamamagitan niyon ay maraming makaka-discover tungkol sa Polaris, sa klase ng awiting inihahandog ng mga ito. Magkakaroon ang mga ito ng exposure. They were both doing one another a favor.

Gaya ng mga striving band na nakakasalamuha niya ay may pangarap din siya. Pangarap niyang maging isang VJ at magkaroon ng sariling music show sa telebisyon. Pangarap niyang makapasok sa My Music Channel o MMC—ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas.

Solong anak lang si Kate ng kanyang inang si Katherine at amang si Lyndon Madrigal. Sa Batangas siya lumaki at nagkaisip. Doon siya nag-aral ng elementary at high school. Sa Manila naman siya nagkolehiyo sa kursong Master of Arts in Communication. Iyon kasi ang gusto ng mga magulang niya at ayos lamang iyon sa kanya. Her parents were very supportive of her. Nang sabihin niya sa mga ito na pangarap niyang maging VJ ay pumayag ang mga ito. Kung saan daw siya masaya ay masaya na rin ang mga ito. Kasalukuyang pinamamahalaan ng mga ito ang kanilang furniture business.

Nang maka-graduate siya ay nag-audition siya sa ibang music channels na kilala rin sa bansa. Iyon ang naisip niyang stepping stone bago niya susubukang mag-apply sa MMC. Subalit sa kasamaang palad, hindi siya nakapasa. Hindi siya makuha-kuha. Nalungkot siya. Tinanong niya ang sarili kung ano ang mali sa kanya at hindi siya pumasok sa panlasa ng mga ito. Pero hindi naglaon ay maluwag sa loob na tinanggap niya ang kabiguan. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Hindi iyon ang magiging hadlang para maabot niya ang pangarap niya. Hindi siya basta-basta sumuko. Nagpatuloy siya sa pagba-blog at pagkuha ng interviews katulad ng ginagawa niya noong nag-aaral pa siya. Sa tingin niya ay dapat pa niyang hasain ang sarili. Kailangan pa niya nang mas maraming experience.

Likas na mahilig siya sa musika, lalo na sa mga banda. Lahat ng klase ng genre ay pinapakinggan niya. Music was a big part of her life. Ang takbuhan niya kapag may problema siya. Napapasaya at naiibsan niyon ang bigat ng loob niya. Katulad noong dapuan ng sakit na Leukemia ang mama niya three years ago. Pansamantala siyang tumigil sa pag-a-apply ng trabaho para umuwi sa Batangas at maalagaan ang kanyang ina. Gusto niyang nasa tabi siya nito para palakasin at pagaanin ang loob nito. Palagi niya itong kinakantahan ng mga paborito niyang kanta ng mga paborito niyang banda. Hindi niya kailanman inisip na mawawala na sa kanila ang mama niya. Malakas ang pananalig niyang gagaling ito. Isa lamang iyong pagsubok na malalampasan nila. At sa awa ng Diyos, naka-recover ito. Sinabi ng doktor na cancer-free na ang mama niya. Mabuti na lang daw at naagapan agad. Laking ginhawa, pasasalamat, at tuwa nila sa magandang balitang iyon. Araw-araw siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi sila pinabayaan Nito.

Ngayon ay bumalik si Kate sa pag-a-apply at pagkuha ng interviews. At dahil sa social networking sites, nagkaroon siya ng chance na maibahagi ang passion and dreams niya. She caught people's attention, especially those who were musically inclined. Marami ang nag-aabang ng exclusive interviews niya. Dahil daw sa kanya, naa-update ang mga ito sa mga baguhang musikero. Dumami ang followers ng blog at Twitter niya. Marami ang nagsu-subscribe sa YouTube channel niya. Nagkaroon din siya ng fan page sa Facebook na ang best friend niyang si Morisette ang gumawa. Nagpapasalamat siya dahil marami ang nakaka-appreciate sa ginagawa niya. Besides, she enjoyed what she was doing. There were times na may mga musician na ayaw magpa-interview. Expected na niya iyon. She prepared herself for hesitation and rejection. Minsan ay ang rude pa ng refusal. But it was fine with her. She knew she could not please everybody.

LOVING CHRIS DREW ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon